Nakaka-beastmode! Aroganteng motorista, 'di man lang hinintuan ang mag-amang nasagi sa daan

Nakaka-beastmode! Aroganteng motorista, 'di man lang hinintuan ang mag-amang nasagi sa daan

-Isang motorista ang nakapag-painit ng ulo ng marami matapos magviral ng isang video sa social media na kuha ng isang dashcam

-Sa video, makikita nag isang pick-up na tila walang pakialam sa mga kasabayan sa kalsada

-Maya-maya pa'y isang single na motor na nga ang nasanggi nito na ang sakay pa man din ay ,ag-ama, ang ikinagalit ng ilan, hindi man lang huminto ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Talaga namang nakaka-beastmode ang motoristang ito sa isang viral na video sa social media.

Kuha ito ng isang dashcam na kasunod lamang ng mga biktima ng aroganteng motorista.

Sa video, makikita ang isang itim na pick up habang tila walang pakialam na umaandar sa isang pampublikong daan.

Nang makakuha ng tyempo, nag-overtake pa ito sa sinusundan at pumunta sa alternate lane. Saktong may sumalubong na puting van na naggaling naman sa isang side ng intersection.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kaya naman napilitan itong bumalik sa tamang lane, 'yun nga lang, biglaan ang kanyang pagbalik kaya naman nasanggi nito ang isang single na motor na may sakay na isang bata.

Ang mas malala, hindi man lamang huminto ang driver ng pick up at tuloy-tuloy lamang. Makikita rin na nahirapan ang lalaking driver na iangat ang kanyang motor kung saan naipit ang bata.

Mabuti na lamang ay agad na nakahinto ang sasakyang nasa likurang ng mga biktima na siyang may-ari ng video.

Can Filipinos sing? We are going to check it in this episode of “HumanMeter”! How will we do it? The answer is… Filipino karaoke right in the streets! We’ve decided to go into the streets of the Philippines and ask random people to stop for a while and sing karaoke – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay

Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay

Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel