Bong Revilla, desidido tumakbo muli sa Senado kahit nasa piitan pa siya

Bong Revilla, desidido tumakbo muli sa Senado kahit nasa piitan pa siya

- Gustong bumalik muli ni Bong Revilla sa Senado kahit nasa piitan pa siya

- Nag-file naman ang kanyang asawang si Lani Mercado ng COC niya

- Bago mag December ay inaasahang lalabas na ang final decision sa plunder case ni Revilla

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hanggang ngayon nga ay hinihintay pa rin ang final decision sa plunder case ni dating Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. Subalit, hindi naman naging hadlang ito para siya ay tumakbo muli sa Senado.

Nalaman ng KAMI na ang pamilya ni Bong Revilla ang naghain ng certificate of candidacy (COC) niya. Pumunta sa Comission on Elections (Comelec) ang kanyang asawang si Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla at anak na sina Vice Governor Jolo Revilla at Bryan Revilla.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“Ikinulong man nila ako, hindi nila maikukulong ang aking puso, diwa, at pagmamahal sa bayan,” sabi ni Revilla sa isang statement na binasa ni Mercado.

Kasalukuyang nasa Camp Crame police general headquarters si Revilla. Nasangkot nga siya sa plunder kase na may kaugnayan sa pork barrel scam. Diumano’y P224.5 million daw ang kickback ni Revilla sa pork barrel, ayon sa report ng Rappler.

Sabi naman ni Lani ay hininintay na lang daw nila ang magiging decision ng Sandiganbayan laban sa kaso at hindi raw sila nag-post ng bail laban dito.

“The 90 days started September 10 and it will end December 10, so hopefully if the decision is positive, he will be out before December,” sabi ni Mercado.

Ayon naman sa Comelec ay maaari pa ring tumakbo muli si Revilla hangga’t wala pang final conviction dito.

“Kung walang final conviction ang kandidato, puwede iyang tumakbo kahit nasa piitan siya,” sabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez ayon sa report ng ABS-CBN News.

Can Filipinos sing? We are going to check it in this episode of “HumanMeter”! How will we do it? The answer is… Filipino karaoke right in the streets! You know, there is a stereotype that Filipinos are amazing singers. But nobody has checked that before! That’s why we’ve decided to go into the streets of the Philippines and ask random people to stop for a while and sing karaoke. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Magkapatid, natagpuang magkayakap ang bangkay sa nasunog na bahay

Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay

Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel