Dating TV reporter na si Jiggy Manicad, handa nang lumaban sa Senado

Dating TV reporter na si Jiggy Manicad, handa nang lumaban sa Senado

- Tuluyan na ngang tinalikuran ni Jiggy Manicad ang pagiging news reporter

- Nag-file na siya ng COC sa Comelec kasama ang asawang si Marnie Manicad

- Nais niya raw isulong ang pagtulong sa mga OFW at pagiging makabayan ng mga Pilipino

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-file na ng Certificate of Candidacy ang dating GMA News reporter na si Jiggy Manicad. Susubukan naman niya ngayon ang buhay sa Senado.

Nalaman ng KAMI na kasama ni Jiggy sa Commission on Elections (Comelec) ang kanyang asawang si Marnie Manicad, isang producer at direktor.

Base sa report ng GMA News, tatakbo bilang Senador si Manicad sa ilalim ng Hugpong ng Pagbabago party na pinangungunahan naman ni Davao City Mayor Sara Duterte.

“Maaaring bago po ako sa pulitika pero 'di po ako bago sa mga isyu ng lipunan: gutom, kahirapan, katiwalian," sabi ni Manicad.

Mayroon daw siyang 6 na programs na nais isulong kapag siya ay nanalo bilang senador. Ilan na nga dito ang programa upang matulungan ang mga OFWs at pagiging makabayan sa pamamagitan ng mga pelikula.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“Ako mismo nadokumento ko kung pa'no i-transport 'yung mga Pilipino sa likod ng truck sa Riyadh papuntang Jeddah. Dito ko ia-apply 'yung karanasan ko bilang journalist,” giit ni Manicad.

“Ako ang gusto ko simple lang: 'Wag tuwing Monday lang 'yung flag ceremony. Every day sana kantahin natin 'yung Lupang Hinirang.

"Yung mga film producers, scriptwriters, 'wag ng i-tax 'yung mga 'yan... 'Yung mga Heneral Luna, Goyo 'yan ang mga kailangan nating pelikula. Sana 'wag ng i-tax," dagdag niya pa.

Naging news reporter si Manicad sa loob ng 23 years. Kilala rin siya sa kanyang mga documentaries sa Reporter’s Notebook. Hinirang din siya bilang Best News Anchor at Best Investigative Program Host noong 2017.

Can Filipinos sing? We are going to check it in this episode of “HumanMeter”! How will we do it? The answer is… Filipino karaoke right in the streets! You know, there is a stereotype that Filipinos are amazing singers. But nobody has checked that before! That’s why we’ve decided to go into the streets of the Philippines and ask random people to stop for a while and sing karaoke. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Magkapatid, natagpuang magkayakap ang bangkay sa nasunog na bahay

Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay

Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel