Mapagmahal na kuya, pinatay habang sinasaklolohan ang kapatid na hinahalay

Mapagmahal na kuya, pinatay habang sinasaklolohan ang kapatid na hinahalay

- May dalawang armadong kawatan na nanloob sa isang computer shop sa Isabela

- Maliban sa panloloob, hinalay din nila ang isang biktima

- Pinaslang din nila ang kuya ng biktima habang sinusubukan niyang iligtas ang kapatid niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang isang pamilya sa Ramon, Isabela ang nagdadalamhati ngayon dahil sa malupit na trahedyang sinapit nila.

Nalaman ng KAMI na maliban sa panloloob ng dalawang kawatan sa kanilang computer shop at bahay, hinalay pa ang isa sa kanila at pinatay pa ang kuya niyang sumubok na iligtas siya.

Ayon sa GMA News, patay ang kuya matapos barilin ng salarin.

Wala ng buhay ang lalake nang dalhin sa ospital habang ang kapatid naman niyang inabuso ay nananatili sa ospital.

Hindi pa nahuli ang mga salarin pero patuloy ang pagtugis sa kanila ng kapulisan.

Narito ang video report ng GMA-7 News:

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kamakailan lang ay may pinaslang din na guro sa Albay, kagaya ng inireport ng KAMI.

Napagalaman ng kapulisan na ang menor de edad na gumawa ng krimen ay may gusto raw sa biktima.

Humihingi rin ngayon ng hustisya ang asawa ng guro.

Can Filipinos sing? We are going to check it in this episode of “HumanMeter”! How will we do it? The answer is… Filipino karaoke right in the streets! We’ve decided to go into the streets of the Philippines and ask random people to stop for a while and sing karaoke – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
4-anyos hindi pwedeng makita ng ina dahil sa matinding dahilan

4-anyos na bata, ayaw ipakita ng lola at DSWD sa ina dahil sa matinding dahilan

4-anyos na bata, ayaw ipakita ng lola at DSWD sa ina dahil sa matinding dahilan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel