Eto ang sikreto! Vicki Belo, ibinahagi ang natutunan sa ama na siyang nagdala sa kanya sa rurok ng tagumpay

Eto ang sikreto! Vicki Belo, ibinahagi ang natutunan sa ama na siyang nagdala sa kanya sa rurok ng tagumpay

- Masayang ibinahagi ni Vicki Belo ang natutunan sa ama noong siya'y bata pa

- Tinuturuan daw siyang tumayo at i-spread ang pakpak niya, na kaya niyang abutin ang mga bagay-bagay

- Ngayon, pinapasa nila ang leksyon sa pagiging self-confident, kasama ang pagmamahal ng Diyos, sa anak na si Scarlet Snow

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi kaila na si Doc Vicki Belo ay isa sa mga tanyag na beauty doktor dito sa Pilipinas.

Siya na siguro ang nagmamay-ari ng pinakamalaking empire ng beauty treatments na nagsisilbi sa mga celebrity, mayayaman at sa ordinaryong tao na gustong magpaganda.

Nalaman ng KAMI na isa sa mga sikreto ng nasabing doktor ay ang ginagawa ng ama niya sa kanya noon.

Sa ulat ng GMA, sinabi ni Doc Vicki na pinaniwala siya ng ama na kaya niyang lumipad.

"He'd literally make me stand on his shoulders and being 6ft. tall, I would feel so powerful standing taller than anyone else in the room. This feeling has always stayed with me even until today."

Ito rin ang tinuro ni Doc Vicki sa panganay niyang anak na si Cristalle Belo at ngayon ay pinapasa niya ito kay Scarlet Snow.

Sabi pa nga niya, sa edad daw na tatlong-taong gulang, mukhang na-internalize na si Scarlet ito.

"I raised @cristallebelo teaching her the same thing. That she had her own wings and that she could spread them out to be her most beautiful self. Today @dochayden and I are passing on this lesson of self-confidence plus Gods amazing love for us to @scarletsnowbelo. And at only 3 years old she's already showing signs of having internalised it,” pahayag ni Doc.

Si Doc Vicki Belo ang isa sa pinakamahusay na beauty doctor sa Pilipinas. Asawa niya si Hayden Kho at may isa silang anak na si Scarlet Snow.

Ang kumpanya ni Doc na Belo Medical Group ay may iba't-ibang branches sa bansa.

POPULAR: Read more about Vicki Belo

Tricky Questions: Can you translate this into English? on Kami YouTube channel This video shows the ability of Filipinos to translate sentences hurled at them into the universal English language.

Source: Kami.com.ph

Related news
Girl from a viral video does 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV

Girl from a viral video does the 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV

Girl from a viral video does the 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel