Graveh na revelations! Coco Martin ibinunyag na may ‘utang na loob’ kay Joey De Leon

Graveh na revelations! Coco Martin ibinunyag na may ‘utang na loob’ kay Joey De Leon

- Ngayon kang nagsalita si Coco Martin tungkol sa ‘utang na loob’ niya kay Joey de Leon

- Ito ay naganap noong nag-celebrate ng 72nd birthday si Joey de Leon

- Inihayag ni Coco ang pasasalamat sa beteranong aktor sa pagkakataon diumano na ibinigay sa kanya noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ngayon lang ibinahagi ni Coco Martin ang kanyang malaking "utang na loob" sa beteranong aktor na si Joey de Leon.

Nalaman ng KAMI na noong nag-celebrate ng 72nd birthday si Joey de Leon, nagbigay ng napakagandang greeting sa kanya si Coco.

Sabi ng Kapamilya aktor, di daw niya alam kung natatandaan pa ni Joey si Coco.

Siya raw po ay isa sa mga natulungan ni Joey noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.

Sana raw ay magkita silang muli para naman makapagpasalamat si Coco sa kanya ng personal.

Sinabi pa ni Coco na idolo raw niya si Joey de Leon.

"Happy Birthday Tito Joey!!! Hindi ko po alam kung natatandaan nyo po ako, isa ako sa mga taong natulongan nyo nung nag uumpisa palang ako sa show ninyo sa TV 5 sa Teka Mona.”

“Maraming maraming salamat sa pagkakataon na nabigay po ninyo sakin non at hanggang ngayon po hindi ko pa nakakalimutan yon,” Martin continued to say. “Sana isang araw mag kita po tayo ng personal para makapag pasalamat po ulit ako sa personal. Happy birthday po ulit Tito Joey idolo po kita!!!”

Graveh na revelations! Coco Martin ibinunyag na may ‘utang na loob’ kay Joey De Leon

Graveh na revelations! Coco Martin ibinunyag na may ‘utang na loob’ kay Joey De Leon
Source: Instagram

Nag-reply si Joey kay Coco at sinabing, "Salamat! I'm proud of you! Stay humble!"

Talaga namang ipinakita ni Coco Martin ang pagiging humble at mabait.

Kahit na sobrang kilala na siya, kailanma'y di lumaki ang ulo niya.

Si Coco Martin ay isa sa mga kilalang aktor ngayon sa Pilipinas.

Naging direktor na rin siya ng pelikula at ang kanyang teleserye na Ang Probinsiyano ay tinaguriang longest running ngayon.

Marami nang natulungang mga artista si Coco, kabilang na dito ay sina CJ Ramos at Mystica. Naiulat sa KAMI na isa siya sa may mga mamahaling sasakyan sa mga celebs.

POPULAR: Read more about Coco Martin

Tricky Questions: can you guess who the people on this new 1000 peso bill are? on Kami YouTube channel This video shows that there are only a few people in the country who know exactly who the persons are in our own peso bills.

Source: Kami.com.ph

Related news
Girl from a viral video does the 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV

Girl from a viral video does 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV

Girl from a viral video does the 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel