10 Beauty Queens na sumali umano sa beauty pageants ilang beses at nanalo

10 Beauty Queens na sumali umano sa beauty pageants ilang beses at nanalo

Heto raw ang mga beauty queens na ang peg sa life ay "never give up!" at "try and try until you succeed" dahil ilang beses umano sumali sa beauty pageants at sa wakas ay nagwagi rin.

Spotted ng KAMI ang ilang beauty queens at ngayon ay sisilipin namin ang sampu (10) sa kanila na sumali daw ng ilang ulit sa beauty contest at sa kalaunan ay nag-uwi ng karangalan sa bansa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

1. Pia Wurtzbach

Sumali si Pia Wurtzbach ng Binibining Pilipinas ng tatlong beses, noong 2013, 2014, at 2015.

Sa wakas ay nanalo rin siya sa huli, kaya naman nagkaroon siya ng pagkakataon na irepresent ang bansa sa Miss Universe 2015.

At sinungkit ang 2015 Miss Universe crown.

2. Wyn Marquez

2015 nang unang sumali si Wyn Marquez sa Binibining Pilipinas at 2017 ay sumali ulit siya pero this time sa Miss World Philippines.

Dito siya nanalo ng titulong Reina Hispanoamericana-Filipinas at inuwi ang ang naturang titulo mula sa international competition at naging kauna-unahang Pinay at Asyano na nakoronahan umano bilang Reina Hispanoamericana.

3. Gwendoline Ruais

Unang sumabak si Gwendoline sa Binibining Pilipinas 2010 at sumabak ulit sa Miss World Philippines 2011 at dito siya ang nanalo.

At inuwi ang Miss World 2011 1st Princess.

Siya raw ang kinaunahang Miss World Philippines.

4. Precious Lara Quigaman

Inabot raw ng apat na taon para sumali si Precious Lara Quigaman at manalo ng titulong Binibining Pilipinas 2005 pagkatapos umano niyang sumubok noong 2001.

At kinoronahan bilang 2005 Miss International.

5. Nicole Cordoves

Naging Miss Chinatown 2014 daw muna si Nicole Cordoves bago sumali sa Binibining Pilipinas 2016, at kalaunan ay inuwi ang Miss Grand International 2016 1st Runner-up na tropeo.

6. Nelda Ibe

Tatlong taon din daw ang namagitan simula nang sumali si Nelda Ibe sa Miss World Philippines 2014 at sa Binibining Pilipinas 2017, at kalaunan ay inuwi ang Miss Globe 2017 1st Runner-up.

7. Bea Rose Santiago

Unang sumali sa Mutya ng Pilipinas 2011 umano si Bea Rose Santiago pero nakakuha raw ng korona sa Binibining Pilipinas 2013, na kung saan rin siya nakipagcompete sa international stage at inuwi ang Miss International 2013 crown.

8. Janine Tugonon

Dalawang beses umano sumabak si Janine Tugonon bilinag Binibining Pilipinas.

Ang una raw ay noong 2011 kung saan siya ang naging 1st runner-up at ang pangalawa ay noong 2012, kung saan siya nanalo bilang 1st runner up ng Miss Universe 2012.

9. Venus Raj

Naging Miss Bicolandia daw muna si Venus Raj bago sumali sa Miss Philippines Earth noong 2008 at muling sumali sa 2010 Binibining Pilipinas, at kalaunan ay nag-uwi ng 4th runner-up sa Miss Universe 2010.

10. Christi Lynn McGarry

Kinoronahang Mutya ng Pilipinas 2010 si Christi Lynn McGarry at na-appoint raw na magreplace sa original representative ng Pilipinas sa Miss Intercontinental 2010.

Pagkatapos ng 5 years, sumali siya sa Binibining Pilipinas umano at nakapagcompete sa Miss Intercontinental 2015 kung saan nanalo siyang first runner-up.

Una naming nakita ang listahan sa GMA News Online.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Jy Lin avatar

Jy Lin