'Unsend Message' option sa Facebook messenger, magagamit na sa mga susunod na araw
- Maari nang magamit ang 'unsend message' option sa Facebook messenger sa mga susunod na araw
- Buwan ng Abril ng taong ito nang mabanggit ng Facebook CEO na si Mark Zuckerberg na makakapagbura na ng mga mensahe sa facebook nang palihim
- Sa ngayon, nasa "testing period" pa ang nasabing option ngunit di tatagal na magagamit na ito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nasa testing period na raw ang isang Facebook option na 'unsend message'. Ito ay magagamit kung may naipadala kang mensahe gamit ang iyong messenger ngunit nais mo nalang itong bawiin.
Nalaman ng KAMI na ang kaibahan daw nito sa 'delete message' ay di lang mabubura ang mensahe kundi hindi na rin ito maipapadala at di na makikita pa ng iyong pinagpadalahan. Sa 'delete message' maaring nabura na sa window ng nagpadala ang mensahe ngunit hindi sa pinagpadalahan.
Ayon sa Rappler, si Jane Manchun Wong na isang TechCrunch na nagbibigay ng mga tips patungkol sa social media apps ang nakadiskubre ng prototye na feature sa Facebook noon pa man. GAmit niya ang Messenger sa Android device.
Katunayan naibahagi niya ang screenshot nang pagkakatuklas niya nito sa Twitter.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Makikita raw ang 'Unsend message" sa taas ng delete message. Kapag pinindot raw ang 'unsend message' makikita naman ang prompt kung tuluyang gagawin na i-unsend ang message.
Ngunit, dagdag ni Wong, magagawa mo lamang daw ito sa karampatang panahon lamang. Sa ngayon, wala pang nilalabas ang Facebook sa kung gaano katagal ito maaring gawin.
Maaalalang Abril ng taong kasalukuyan nang unang naibahagi ng Facebook founder na si Mark Zuckerberg na nagawa niya sa mismong facebook messenger account niya na magbura ng mensahe na palihim.
Dahil dito, inulan siya ng mga katanungan kung paano niya ito nagawa habang ang iba naman ay di makapagbura ng mga mensaheng kanilang naipadala na. Saka lamang nilabas ng Facebook na nasa proseso na pala talaga ang pagpapalabas at pagpapagamit ng option na ito.
Sa ngayon, ginagamay na ng Facebook ang option na ito at di tatagal, magagamit narin ito ng nasa 2.23 billion na users nila buong mundo.
You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay.
Ukay-Ukay (Bargain Store) 200 Pesos Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel
Source: KAMI.com.gh