Sibling rivalry? JV Ejercito at Jinggoy Estrada, nag-file na ng COC para tumakbo sa Senado

Sibling rivalry? JV Ejercito at Jinggoy Estrada, nag-file na ng COC para tumakbo sa Senado

- Naghain na nga ng COC ang half-brothers na JV Ejercito at Jinggoy Estrada para muling magsilbi sa Senado

- Sinamahan naman ni Mayor Erap Estrada si Jinggoy na mag-file ng COC

- Ayon kay Mayor Erap ay hindi raw siya ininvite ni JV sumama sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-file na ng Certifcate of Candidacy (COC) si incumbent Senator JV Ejercito sa Commission on Elections (Comelec) noong Lunes. Ginamit niya ang pangalan na “Ejercito Estrada JV” at alias na “Estrada JV”.

Tumakbo sa Senado si JV sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition (NPC) ayon sa report ng Rappler. Si JV Ejercito ay anak ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada kay San Juan City Mayor Guia Gomez.

Samantala, nalaman naman ng KAMI na ngayong Martes ay nag-file na rin ng COC si dating Senador Jinggoy Estrada para muling maihalal uli sa pwesto. Kasama naman niyang pumunta sa Comelec ang kanilang tatay na si Erap Estrada. Marami nga ang nagtaka kung bakit si Jinggoy ang sinamahan ng ama.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“Hindi ko alam e. He did not inform me. Hindi n’ya ko inimbita,” sabi ni Mayor Erap base sa report ng Inquirer.

Sa isang tweet naman ng ABS-CBN News Channel, sabi ni Mayor Erap, baka ayaw lang daw ma-identify ni Sen. JV bilang anak niya.

“He resigned from my party. Maybe he didn’t like to be recognized as my son, to be identified with me or with my party,” sabi ni Mayor Erap.

Nang tanungin kung galit o nagtatampo ba siya kay Sen. JV, ang sagot lang niya, “Hindi naman. It’s a free country.”

“Hindi, sa babae lang ako nagtatapo,” dagdag pa ng Manila Mayor.

Naiulat nga ng KAMI noon na umalis si Sen. JV sa party ng kanyang ama na Partido ng Masang Pilipino (PMP) kaya naman lumipat siya sa NPC. Sinabi rin ni Sen. JV na hindi lang basta tampo at masama talaga ang loob niya dahil daw hinayaan ng kanilang ama na tumakbo ang magkapatid sa Senado. Dagdag niya pa, hindi na raw siya nasuportahan ni Mayor Erap noong 2013 dahil kay Jinggoy at baka raw maulit ito.

Para naman kay Jinggoy ay sana raw manalo silang dalawa ni JV dahil magkadugo at magkapatid pa rin sila.

Can Filipinos sing? We are going to check it in this episode of “HumanMeter”! How will we do it? The answer is… Filipino karaoke right in the streets! You know, there is a stereotype that Filipinos are amazing singers. But nobody has checked that before! That’s why we’ve decided to go into the streets of the Philippines and ask random people to stop for a while and sing karaoke. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Aktwal na video ng pagsanib sa 1 bata! 16-anyos na pinatay umano, nagpasaklolo

Aktwal na video ng pagsanib sa 1 bata! 16-anyos na pinatay umano, nagpasaklolo

Aktwal na video ng pagsanib sa 1 bata! 16-anyos na pinatay umano, nagpasaklolo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel