Anyare? Dating Senate President Enrile, businesswoman na sa coc

Anyare? Dating Senate President Enrile, businesswoman na sa coc

-Abogado lamang ni Juan Ponce Enrile, 94, ang nagfile ng kanyang coc ngayong Martes

-Agad na nagviral ang coc na ito ni Enrile matapos na 'businesswoman' ang mailagay na propesyon nito

-Agad naman daw bumalik ang abogado minuto lamang matapos itong magviral sa social media na pinayagan naman i-correct ng COMELEC

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Minuto lamang matapos mai-file ng abogado ni dating Senate President Juan Ponce Enrile na si Joseph Sagandoy, ang certificate of candidacy nito sa pagka-Senador, nag-viral na agad ito.

Bakit?

Businesswoman kasi ang nailagay na propesyon nito.

Anyare? Dating Senate President Enrile, businesswoman na sa coc

Photo source: ABS-CBN News

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, inakala umano ng abogado na propesyon ng asawa ni Enrile na si Cristina Ponce Enrile ang tinutukoy dito.

Kilala ang mga Enrile sa real estate at iba pang negosyo.

Ayon sa isang opisyal ng COMELEC, bumalik ang abogado ni Enrile matapos lamang ang ilang minutong kumalat na ito sa social media.

“In general, changes can be allowed until October 18, the last day of filing,” ani ni Comelec spokesperson James Jimenez.

“If it’s a minor thing like that, that was allowed to be corrected. Kung malaki-laking error, it would require a different treatment,” dagdag pa nito.

Tatakbo si Enrile bilang independent candidate ngunit bukas daw ito sa page-endorso ni Pangulong Rodrigo Duterte.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“During the last three years that I was out of the Senate, I confined myself at home and studied our national condition...,"

“I am not going to wrestle with anybody physically [in the Senate], I am going to wrestle mentally,” ayon kay Enrile.

Wala nanamang naging pahayag ang mga Enrile sa issue ng pagkakamali sa propesyon na nailagay sa coc ni JPE.

Philippines tricky questions: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kahit mga senador, nagkomento sa sinabi ni PNP chief ukol sa ‘Ang Probinsyano’

Kahit mga senador, nagkomento sa sinabi ni PNP chief ukol sa ‘Ang Probinsyano’

Kahit mga senador, nagkomento sa sinabi ni PNP chief ukol sa ‘Ang Probinsyano’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel