Dating OFW sa Riyadh, big time negosyante na ngayon sa Baguio

Dating OFW sa Riyadh, big time negosyante na ngayon sa Baguio

- Binahagi ng dating OFW na si Jun Medrano kung paano niya napagtagumpayan ang pagnenegosyo

- Mula sa kanyang bigasan, nakaipon sila ng nasa 2.7 milyong piso na siyang pinagpatayo naman nila ng Apartelle sa Baguio City

- Sa loob ng 15 taong pagiging negosyante, sipag tiyaga at disiplina raw ang kanyang sikreto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lumaki si Jun Medrano sa maliit na bayan ng La Paz, Tarlac. Sa hirap ng buhay, naging mekaniko siya pagka-graduate ng High school sa Angeles, Pampanga kung saan naroon ang kanyang tiyo. Ito rin ang trabahong nagdala sa kanya sa Baguio noong 1987.

Sa Baguio nakilala niya ang kanya pa lang mapapangasawang si Gloria na tubong Pangasinan.

1992 nang maisipan niyang mangibang bansa. Sa Riyadh siya napadpad at doon, pagmemekaniko pa rin ang kanyang kinabubuhay.

Tumagal alamang siya roon ng dalawang taon at sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas, nagdesisyon siyang magnegosyo at di na muling umalis pa ng bansa.

Dating OFW sa Riyadh, big time negosyante na ngayon sa Baguio

Sa kanyang kapital na 30,000, nakapagsimula sila ng 10 kaban ng bigas para masimulan ang kanilang bigasan.

Taong 1995 at napalago na nila at ng kanyang asawa ang bigasan at noon ay mayroon na rin silang panindang itlog.

“Nandoon talaga kami sa mga puwesto namin, mula 6 a.m. hanggang 8 p.m., seven days a week. Araw-araw, walang pahinga. Tulungan kami ni misis,” kwento ni Jun.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dating OFW sa Riyadh, big time negosyante na ngayon sa Baguio

At dahil malalaking bentahan na ang kanilang nagagawa, naging miyembro na ang kanilang pamilya ng Baguio Market Plaza Multi-Purpose Cooperative. Dito mas napalago nila ang negosyo dahil sa napapahiram sila ng kooperatiba ng mas malaki pang kapital.

2003 at may naipon na silang nasa 2.7 milyong piso. Nagbabalak na sana silang bumili ng bahay at lupa nang magbigay ng suhestiyon ang kanilang kaibigan na magpatayo na lamang ng Apartelle. Patok na patok kasi ito sa Baguio sa dami ng mga bakasyunistang nagtutungo roon.

Dalawang buwan ang dumaan at pinag-isipan talaga nilang mabuti kung susunggaban nila ang panibagong negosyo at ito nga ay ang pagpapatayo ng Apartelle.

Dating OFW sa Riyadh, big time negosyante na ngayon sa Baguio

Dating OFW sa Riyadh, big time negosyante na ngayon sa Baguio
Source: UGC

Di sapat ang 2.7 million para magpatayo ng Apartelle kaya naman laking gulat ni Jun nang subukan nilang mangutang sa Development Bank of the Philippines (DBP). Noon kasing nag-a-abroad pa siya ay nakapagbukas na siya ng ilang account sa nasabing bangko at dito napautang sila ng 7 milyong piso. Sinama nila ito sa naunang ipon kaya tuloy na ang pagpapatyo ng Apartelle.

Taong 2004 nang magbukas ang Medrano's Apartelle na may 29 na kwarto at kayang magpatuloy ng 80 hanggang 100 katao.

Bagaman at madali laang daw ang pagma-manage ng Inn, tila hinahanap hanap nilang mag-asawa ang buhay sa bigasan.

Sa loob ng 15 taon sa pagiging matagumpay na negosyante, sipag, tiyaga at disiplina raw ang kanyang mga naging sandata sa pagsungkit ng tagumpay.

Sana raw ay magsilbing inspirasyon ang kanyang kwento sa kapwa niyang dating OFW.

You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay.

Ukay-Ukay (Bargain Store) 200 Pesos Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Anak ni Pokwang, pinabilib ang netizens sa piniling pagkain na hinain sa kanya

Anak ni Pokwang, pinabilib ang netizens sa piniling pagkain na hinain sa kanya

Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel