7 Artista na magdidiwang umano ng kanilang kaarawan sa linggong ito

7 Artista na magdidiwang umano ng kanilang kaarawan sa linggong ito

Ngayong buwan ng Oktubre, may mga kilalang mga personalidad sa showbiz ang diumano ay magdidiwang na kani-kanilang mga kaarawan.

Spotted ng KAMI ang pito(7) sa kanila at ngayon ay sabay sabay nating batiin ng maligayang kaarawan!

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

1. Vina Morales

Ayon sa Born Glorious at IMDb, ang tubong Cebu na si Vina Morales ay magdiriwang ng kanyang kaarawan sa linggong ito.

Pinanganak umano ang multi-awarded singer at actress noong October 17, 1975, sa Bogo sa Cebu bilang si Sharon Garcia Magdayao pero mas kilala sa showbiz bilang si Vina Morales.

2. Direk Paul Soriano

Ang director ng First Love movie na ipapalabas na bukas October 17, 2018, ay madiriwang rin ng birthday bukas, ayon pa sa kanyang online bio.

Pinanganak daw si direk Paul bilang si Paul David Soriano sa California sa Los Angeles.

3. Bea Alonzo

Mukhang pa birthday blow out na ito sa mga pamilya, kaibigan, at mga fans nina direk Paul Soriano at Bea Alonzo ang pagnood nila ng pelikulang First Love dahil ang showing date, na bukas na, October 17, ay birthday rin pala ni Bea Alonzo, ayon na rin sa online bio.

Pinanganank si Bea sa pangalang Phylbert Angelie Ranollo Fagestrom, na una na naming binalita rito, kamakailan lang.

4. Sam Concepcion

October 17, 1992, pinanganak si Samuel Lawrence Lopez Concepcion na mas kilala sa showbiz bilang si Sam Concepcion.

5. Christian Bautista

Si Christian Joseph Morata Bautista o mas kilala sa showbiz bilang si Christian Bautista ay pinanganak pala noong October 19, 1981.

6. Atom Araullo

Si oppa Alfonso Tomas Pagaduan Araullo o mas kilala sa pangalang Atom Araullo ay magdiriwang din ng kanyang birthday ngayong October 19.

Tila nauna na ang bonggang regalo sa kanya ng 32nd PMPC Star Awards for Television dahil hinirang lang naman nila si Atom bilang ang Best Documentary Program Host.

7. Isabel Oli

Ang lovely preggy na kabilang rin sa 14 very much pregnant celebs ngayon , na pinanganak, lumaki, at nagtapos ng pag-aaral sa Cebu na si Isabel Oli ay magdiriwang din daw ng kanyang birthday ngayong October 20.

Happy Birthday sa 7 celebrants natin ngayong linggong ito!

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Misis, sinundan si mister! Huli sa akto habang kasama ang kabit nito

Kinutuban si misis; Sinundan si mister at nahuli niya ito sa akto

Misis, sinundan si mister! Huli sa akto habang kasama ang kabit nito
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel