Wowowin contestant na 13 taong gulang na nabuntis ng lector, binatikos

Wowowin contestant na 13 taong gulang na nabuntis ng lector, binatikos

- Agaw atensyon ang rebelasyon ng Wowowin contestant na si Jona

- 13 taong gulang lamang daw siya ng mabuntis ng 30 anyos niyang nobyo

- Ang kinagulat pa ng netizens na nambatikos sa kanya, choir member lang daw ang babae habang lector ang lalaki

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Gumawa ng ingay ang isang Wowowin constestant na si Jona dahil sa umano'y estado ng kanyang buhay.

Sa programa ni Willie Revillame, siniwalat niyang 13 taong gulang pa lamang siya noong siya ay nabuntis. Ang kinagulat ng mga manonood maging ni Willie ay 30 taong gulang na ang lalaki.

Di lang iyon, mas lalong nagulat ang host ng Wowowin nang malaman na nagkakilala ang dalawa sa simbahan kung saan choir member ang babae habang lector naman ang lalaki.

Ang lector sa simbahang Katoliko ay nagbabasa ng mabutiing balita sa misa na maaring humalili sa pari.

Kita sa mukha ni Willie ang pagkagulat at inusisa niya ang pagsasama ng dalawa sa ngayon.

Nahulog daw ang loob ni Jona sa lalaki dahil sa maboka ito at palabiro. Sinabi niyang mahal niya ito at katunayan nga ay apat na ang kanilang mga anak.

Ngunit, nabanggit din ni Jona na sa tagal nilang nagsasama ay di pa sila kasal. Bagay na pinagtakhan ni Willie lalo pa raw at taong simbahan sila.

Depensa naman ni Jona, apat na ang mga anak nila kaya naman mahirap na raw para sa kanila ang magpakasal. Di na raw kakayanin pa dahil sa dami ng gastos.

Sabi naman ni "kuya Will", mayroon namang kasalang bayan kung saan maari silang magpabasbas manlang sa pari. Di naman na raw sila kailangan pang gumastos at ang importante ay mabasbasan ng simbahan ang pagsasama nina Jona.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, nakausap din ni Willie ang kinakasama ni Jona na si Manny. Di rin daw naging madali ang pagsasama nila ni Jona lalo pa at napakarami nang negatibong komento ang naibabato sa kanilan maging ng mga kapitbahay nila.

Ang sa kanila lang, binata naman daw si Manny at si naman daw nito tinakbuhan ang responsibilidad nito kina Jona.

Pinuri rin naman ni Jona si Manny sa pagiging mabuting ama nito. Lahat daw kasi ng maaring pagkakitaan ay pinasok nito para lamang masustentuhan ang kanilang pamilya.

Samantala, di pa rin sila nakawala sa mga puna ng mga netizen ang sitwasyon nina Jona at Manny.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Hindi mo muna nahintay makatapos, pananamantala ang ginawa mo brad!"
"Pasok na pasok sa depinisyon yan ng pedopilya yan, 30 ang lalaki 13 ang babae"
"Corruption of minor"
"Tinukso lang niya ang minor, imagine 13 years old!"
"Child abuse yan, ipakulong dapat yung lalaki"

You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay.

Ukay-Ukay (Bargain Store) 200 Pesos Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Matandang mamimili, huli sa akto ang paghingi ng sukili kahit di pa ito bayad

Matandang mamimili, huli sa akto ang paghingi ng sukili kahit di pa ito nagbabayad

Matandang mamimili, huli sa akto ang paghingi ng sukili kahit di pa ito nagbabayad
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel