Mar Roxas at Bam Aquino, desidido tumakbo sa Senado at nag-file na ng COC

Mar Roxas at Bam Aquino, desidido tumakbo sa Senado at nag-file na ng COC

- Early bird si Mar Roxas ngayong Day 4 ng COC filing

- Nag-file na rin ng COC si Senator Bam Aquino

- Aminado rin naman si Aquino na mas magiging mahirap ang laban ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ngayong Day 4 ng Certificate of Candidacy (COC) filing ay dumating ang dating Interior and Local Government Secretary na si Mar Roxas at incumbent Senator Bam Aquino upang mag-file ng COC sa pagka-senador.

Nalaman ng KAMI na si Mar Roxas ang early bird ngayong October 16 (Tuesday). Matapos ang kanyang dalawang taong pagpapahinga sa pulitika ay muli na siyang magbabalik ngayon.

Habang papasok ng Commission on Elections (Comelec) ay sumisigaw ang mga taga-suporta ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos ng, “Marcos pa rin!”

“Buhay na buhay pa rin ang ating demokrasya,” giit naman ni Roxas.

Noong 2010 ay tumakbo bilang vice president si Roxas ngunit natalo siya ni Jejomar Binay. Samantala, noong 2016 naman ay tumakbo siya bilang president pero natalo siya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Tila last minute nga ang pagtakgbo sa Senado ni Roxas. Giit niya pa na ayaw na sana ng pamilya niya na tumakbo siya muli sapagkat wala na raw siyang dapat patunayan dahil nagawa niya na ang kanyang tungkulin bilang public servant. Ngunit, hindi naman ito naging hadlang para kay Roxas.

“Pero nitong mga nakaraang linggo, hindi makayanan ng kalooban ko na parang, ano, ganyan na lang ba? Hindi pa tapos ang trabaho sa nation building, may matutulong pa ba? Oo," sabi ni Roxas.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kumalat din sa social media ang Facebook video ni Roxas kung saan humihingi siya ng tulong sa pagsisilbi sa bayan.

"Kung sa tingin ninyo makakatulong pa ako, handa ako. Ino-offer ko muli ang sarili ko sa inyo at hinihingi ko rin ang tulong nyo dahil hindi ko ito kaya nang nag-iisa," sinabi ni Roxas, ayon sa GMA-7 News.

Samantala, nag-file na rin ng COC si Senator Bam Aquino upang magsilbi muli sa Senado. Aminado naman si Aquino na mas magiging mahirap ang laban ngayon dahil hindi raw siya part ng administration.

“Pero kahit mahirap ang laban, if you want to serve to push for what would benefit our people, that should drive you forward,” sabi naman ni Aquino.

Naiulat nga ng KAMI noon na naalis si Aquino sa Top 12 o “Magic 12” na tinatawag noong nagsagawa ng survey ang Pulse Asia noong September. Subalit, hindi naman naging hadlang kay Aquino ito.

Can Filipinos sing? We are going to check it in this episode of “HumanMeter”! How will we do it? The answer is… Filipino karaoke right in the streets! You know, there is a stereotype that Filipinos are amazing singers. But nobody has checked that before! That’s why we’ve decided to go into the streets of the Philippines and ask random people to stop for a while and sing karaoke. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Man who chose new lover over his family earns online backlash

Another story of infidelity earns viral thrashing

Man who chose new lover over his family earns online backlash
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel