Misis, napatawad ang mister na nang iwan daw sa kanilang para sa isang foreigner

Misis, napatawad ang mister na nang iwan daw sa kanilang para sa isang foreigner

- Viral ang post ng matapang na misis na si Maica Tidoy kung saan maluwag niyang pinatawad ang ginawa ng mister

- OFW sa China ang mister ni Maica na nagawa siyang ipagpalit sa isang foreigner

- Maraming netizens ang di lang nakisimpatya kundi namangha sa katapangan na pinakita ni Maica

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Gumawa ng ingay ang nakakaantig na post ng isang Misis at ina na si Maica Tidoy.

Imbis kasi magalit sa mister, nagawa nitong patawarin na lamang at palayain ang asawa na pinagpalit siya sa isang foreigner.

Nalaman ng KAMI na di lang pinagpalit, iniwan rin kay Maica ang dalawa nilang maliliit pang mga anak.

Ayon sa Readers portal, OFW daw sa China ang mister ni Maica at doon niya nakilala ang babaeng foreigner.

Masakit para kay Maica ang nangyari lalo pa at pitong taon na rin ang kanilang relasyon at biniyayaan nga ng dalawang anak.

Ngunit di magawang magalit o magtanim ng sama ng loob ni Maica at sa halip, pinalaya na lamang ang mister. Hayagan din niyang sinabi na napatawad na niya ito.

Sa kabila ng mga pangyayari na ito sa kanilang pamilya, iisa na lamang ang hiling ni Maica at iyon ay ang huwag makalimutan ng mister ang kanilang mga anak.

Dahil dito, labis na hinangaan si Maica ng mga netizens sa katapangan na pinakita niya at sa pagkakaroon ng mapagpatawad na puso.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Wag mo syang pansinin girl , sya ang nag kamali. Cheer up ! Mas masarap pa den mag mahal ang PINAY. Pag tanda nyan mag sisisi yan . Focus ka sa mga anak mo sila ang lakas mo. God bless you"
"You deserved someone better than him."
" kaya mo yan sister,,,may mga ank qa na magaalaga sayo pagtanda mo,,,mahalin mo sila at alagaan mabuti,,,marami kaming nandto para sayo,,,god bless you"
"Wag mong pansinin. Sinira na nya buhay nya nung ipinagpalit ka sa isang babaeng mukhang transgender. Nako nako be brave po para sa sarilimo at sa mga anak mo."
"Be strong girl.. Para sa mga kids mo.. Iiyak mo lang ng bongga yan.. Unti unti makkamove on ka din.. Pray lang.. At lam atin may plan si god pra sa inyo ng mga anak mo kaya nangyri yan.."

Samantala, kamakailan lamang ay muling nagpost si Maica patungkol sa nagawa niyang pagsisiwalat ng ginawa ng kanyang mister sa kanilang pamilya.

Sa post, naisulat niya, "Hindi ko intensyon na sirain ka , at lalong hndi ko intensyon ang sumikat, Hindi ko Lang mapigilan yung sarili ko sobrang sakit na ilabas yung nararamdaman ko."

Para sa mga netizens, natural at normal lamang daw ang ginawa ni Maica sa labis labis na pasakit sa lahat ng nangyayari sa kanyang buhay.

You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay.

Ukay-Ukay (Bargain Store) 200 Pesos Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay

Magkapatid, natagpuang magkayakap ang bangkay sa nasunog na bahay

Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel