OFW, naging matagumpay na nagsimula sa pagkawala ng kanyang passport

OFW, naging matagumpay na nagsimula sa pagkawala ng kanyang passport

-Isang matagumpay na businessman at public servant ngayon si Dave Almarinez na ayon sa kanya ay nagsimula lamang noong mawala ang kanyang passport

-Dahil dito, nakilala nito ang taong makakatulong sa kanya upang magtatag ng sariling negosyo sa Pilipinas

-Dahil sa bata pa lamang ay natuto nang magnegosyo, nagawa niyang palakihin ang kanyang sinimulan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagtrabaho bilang isang financial consultant sa Singapore si Dave Almarinez pagkatapos nito sa kolehiyo.

Ngunit dahil sa tulong na ipinapadala sa pamilya, hindi daw ito nakakaipon.

Nang mawala ang kanyang passport, nakilala nito ang lalaking nagbukas sa kanya ng ideya ng direct selling, na siyang nagsauli ng kanyang nawalang pasaporte.

Nang makumpirma na maaari siyang magsimula sa halagang P50,000 para sa direct selling ng mga inumin, agad na lumipad pabalik si Almarinez pauwi sa Pilipinas.

Sinubukan daw nitong humingi ng tulong o makipagsosyo sa ilang kapamilya ngunit walang pumayag sa mga ito.

“In hindsight, it only drove me to do better and prove to my naysayers that I can make it,”

Upang mapatunayan na tama ang kanyang desisyon sa kabila ng kapos na kaalaman sa negosyo, ipinagpatuloy nito ang nasimulan at agad na humanap ng mga local partners.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nang makahanap ay napagtagumpayan nitong itatag ang kompanyang Nature’s Sunshine na kalauna'y naging Synergy, at naitaas ang profit ng kompanya sa huling 3 taon ng 300%.

Taong 2007, na-elect naman ito bilang board member of the provincial government of Laguna at kasabay nito ang pagpapatakbo ng Organo Gold, isang Canada-based direct selling company.

“In the Philippines, when they hear you’re a businessman and a public servant at the same time, their eyebrows raise with malice,” ani Almarinez.

“But in reality, it actually disciplines public servants to do better with their jobs because they’re more prone to issues as more eyes are watching you.” dagdag nito.

OFW naging matagumpay na nagsimula sa pagkawala ng kanyang passport

Photo source: Entrepreneur.com
Source: UGC

Philippines tricky questions: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Victoria's Secret Angel Kelsey Merritt, bagong Sports Illustrated Swimsuit model na rin!

Victoria's Secret Angel Kelsey Merritt, bagong Sports Illustrated model na rin!

Victoria's Secret Angel Kelsey Merritt, bagong Sports Illustrated model na rin!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel