Pinoy sa Hong kong, natagpuang walang buhay sa kanyang apartment

Pinoy sa Hong kong, natagpuang walang buhay sa kanyang apartment

-Isang Pilipino sa Hong Kong ang napaulat na nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti ng sarili

-Ayon sa ulat, ang lalaki na 42 taong gulang ay natagpuan ng kanyang 27-anyos na nobya na isa ding Pilipino na nakabigti sa sarili nitong bahay sa HK

-Ayon sa imbestigasyon, isinantabi na ang anggulong foul play

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang Pilipino ang natagpuang wala ng buhay sa sarili nitong bahay sa Mong Kok district sa Hong Kong.

Ayon sa report ng PINOY-OFW.com, ang lalaki na 42-anyos ay natagpuan ng kanyang 27-anyos na nobya, na isa ring Pilipino, na nakabigti gamit ang isang dog leash.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Agad umanong tinanggal ng babae ang pagkakatali dito at tumawag ng pulis. Isinugod pa umano ang lalaki sa Kwong Wah hospital ngunit idineklara ding patay na.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, walang nakitang suicide note mula dito ngunit isinantabi na ang anggulong foul play.

Ayon sa imbestigasyon, problema sa trabaho at relasyon ang maaaring ugat ng pagpapatiwakal nito.

Samantalang, iniimbestigahan pa ang ang cause of death nito.

Pinoy sa Hong kong, natagpuang walang buhay sa kanyang apartment

Photo source: Getty Images
Source: Twitter

Philippines tricky questions: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Video ng wedding proposal kay Dani Barretto uploaded na at netizens, nagbigay reaksyon

Video ng wedding proposal kay Dani Barretto uploaded na at netizens, nagbigay reaksyon

Video ng wedding proposal kay Dani Barretto uploaded na at netizens, nag-react
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel