Lalaking nagdeliver ng pizza, nakapagligtas ng buhay at na-meet pa ang kanyang idol

Lalaking nagdeliver ng pizza, nakapagligtas ng buhay at na-meet pa ang kanyang idol

-Hindi inaasahan ni Joey Grundl na ang simpleng araw niya ay magiging 'di malilimutang karanasan

-Hindi ito nag-atubiling tumulong nang may taong nanganganib ang buhay ang kanyang nasagip

-Naging daan naman ang kanyang kabayanihan upang ma-meet niya ang kanyang idol na si Taylor Swift

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang simpleng araw lamang para kay Joey Grundl ang araw na iyon ng magdeliver siya sa isang village. Hindi niya inaasahang ang dadatnan palang customers ay nasa kakaibang sitwasyon.

Nang iabot ni Joey ang order sa isang middle-aged na lalaki, isang babae ang lumitaw sa likuran nito at palihim na humingi ng tulong sa kanya.

Dala ng kanyang kabutihan, agad na tumawag sa kinauukulan si Joey ay idenetalye ang pangyayaring kanyang inabutan.

Hindi nagtagal at agad namang nasagip ang babae sa kamay ng mapang-abusong lalali. Ayon dito, inisip daw nito na mamamatay na siya ng gabing iyon.

Dahil sa kanyang kabayanihan, naging viral si Joey at hinangaan ng marami. Agad na may nakapansin sa kanyang hoodie na isa palang official merchandise ng sikat na singer na si Taylor Swift.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naging daan ito upang makilala niya ang kanyang idol at ma-meet in-person.

Sa isang concert ni Swift, inimbitahan si Grundl ng singer upang personal na batiin dahil sa kanyang kabayanihan. Umani naman ito ng papuri mula kay Swift.

Philippines tricky questions: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Sanggol, aksidenteng naihulog ng nurse ilang minuto pagkatapos isilang

Sanggol, aksidenteng naihulog ng nurse ilang minuto pagkatapos isilang

Sanggol, aksidenteng naihulog ng nurse ilang minuto pagkatapos isilang
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel