Long distance relationship na nag-umpisa sa facebook chat, nauwi sa kasalan

Long distance relationship na nag-umpisa sa facebook chat, nauwi sa kasalan

- Binahagi ng netizen na si Rona Asio Gabaon ang kanyang love story na nagsimula lamagn sa chat

- Matapos ang mahigit walong buwan na pagiging magkasintahan, nauwi rin sila sa kasalan

- Patunay raw na ang "true love" ay dumarating sa tamang panahon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakamamangha talaga ang love story ng netizen na si Rona Asio Gabaon na napagtagumpayan ang long distance relationship.

Nalaman ng KAMI na nag-umpisa lamang ang lahat sa facebook chat. Di raw maintindihan ni Rona kumbakit sa dinamirami ng mga nagpapapansin sa kanya sa messenger, kay Henry lang daw siya sinipag na magreply madalas.

Di nila namamalayan na araw-araw na pala silang magkausap, at magka-chat. Hanggang sa dumating na rin sa punto na nahulog na ang loob nila sa isa't-isa.

Bagaman at busy sila sa kani-kanilang trabaho, tiwala daw ang siyang naging sandigan ng kanilang relasyon at siyempre ang Panginoon na naging sentro ng kanilang pag-iibigan.

Umabot ng walong buwang at 13 na araw ang hinintay nilang dalawa bago tuluyang magkita. Isa raw itong sorpresa ayon kay Rona.

Di niya malilimutan na ang isang ordinaryong araw ay magiging espesyal nang hagilapin ni Henry ang mismong bahay nina Rona.

Parang may artista raw na dumating sa bahay nina Rona nang matunton mi Henry ang kinaroroonan ng kanyang iniibig.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Di malaman ni Rona ang gagawin ng puntong iyon dahil ang lalaking lagi niyang ka-chat, ka-text ay nasa harapan na niya.

At nang mayakap na nga raw ni Rona si Henry, naisip niyang sulit laman ang ilang buwang paghihintay.

Sunod sunod na ang mga mas lalong magagandang pangyayari sa kanilang pagsasama. Gaya na lamang nang ipakilalal ni Henry si Rona sa kanyang pamilya.

Sa una'y nagugulat pa raw si Rona at "kasalan" na naririnig niya sa pamilya ng kanyang nobyo. Iyon pala, ilang araw matapos ang pagpapakilala sa panilya ni Henry, naganap naman ang marriage proposal.

At nang sinagot ni Rona si Henry ng matamis niyang "oo", agad na namanhikan na sila sa pamilya ng nobya kinabukasan.

Aminado si Rona na napakabilis ng mga pangyayari, sa loob ng 14 na araw napaghandaan nila ang kasalan at naging matagumpay ito.

Enero ng taong kasalukuyan, ginanap ang pag-iisang dibdib nina Rona at Henry. Walang pagsidlan ng kaligayahan ang dalawa nang tuluyan na silang naging Mr. and Mrs. Gabaon.

Ngunit, kinailangan pa ring umalis ni Henry matapos ang kasal. Masakit at mahirap man para kay Rona na makitang nag-eempake ang kanyang mister, ang mahalaga raw ay nabasbasan na ng simbahan ang kanilang pag-iibigan.

Dahil doon, alam niyang maswerte siya at nabiyayaan siya ng taong bagaman at madalas na nasa malayo, alam niyang magbibigay sa kanyan ng tunay na pagmamahal at magpapadama ng tunay na kaligayahan.

You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay.

Ukay-Ukay (Bargain Store) 200 Pesos Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Kahit mga senador, nagkomento sa sinabi ni PNP chief ukol sa ‘Ang Probinsyano’

Kahit mga senador, nagkomento sa sinabi ni PNP chief ukol sa ‘Ang Probinsyano’

Kahit mga senador, nagkomento sa sinabi ni PNP chief ukol sa ‘Ang Probinsyano’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel