Batang napagkamalang snatcher, nag-iwan ng magandang aral sa customer ng Jollibee

Batang napagkamalang snatcher, nag-iwan ng magandang aral sa customer ng Jollibee

- Viral ang post ng netizen na si Diane Alcarmen nang makilala niya ang batang si Jairus sa Jollibee

- Dala ang awa, kinausap niya ang bata at nalaman ang totoong estado nito sa buhay

- Maging ang mga netizens ay naantig sa naganap sa Jollibee na kinapulutan nila ng aral

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang mahaba-habang salaysay ng netizen na si Diane Alcarmen nang ikuwento niya ang isang pangyayari nang minsa'y sila ay umain ng kanyang anak sa Jollibee.

Napansin daw nila ang batang lalaki na kumakaig mag-isa at kinausap ng isang crew ng Jollibee.

Maya maya pa ay dumating ang mag-anak na tila may kasamang balikbayan dahil sa mga bag ng Duty Free.

Nang oorder na raw ang lalaki mula sa pamilya, binalaan niya ang kasama nilang babae na bantayang mabuti ang mga gamit sabay tingin sa batang lalaki na nag-iisang kumain.

Di raw nagustuhan ni Diane ang tingin na iyon na nagsasabing baka snatcher ang batang lalaki. Kaya naman lakas loob na niyang kinausap ang batang lalaki at pinaupo sa tabi nila ng kanyang anak.

Doon nalaman ni Diane na talagang mag-isa ang bata at iniwan na pala ito ng kanyang ina. May kapatid siyang lalaki at pareho silang street sweeper.

Nadurog ang puso ni Diane sa batang si Jairus na 12 taong gulang na pala na inakala niya noong una na 8 taong gulang pa lamang.

Napilitan na itong huminto sa pag-aaral upang maghanapbuhay. mahiyain daw ang bata ngunit palangiti naman ito. Kaya naman nagtaka si Dianne bakit mapapagkamalan itong snatcher gayong wala sa itsura nito ang gagawa ng masama.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nalaman din ni Dianne na Nobyembre ang kaarawan ni Jairus akya binigay niya ang numero niya at sinabihan ang bata na kontakin siya sa kaarawan niya.

Bago sila maghiwalay, binilhan muli ni Dianne ang bata ng pagkain at maging para sa kapatid nito.

Tinanong din ni Dianne kung ano ang sinabi ng crew kay Jairus nang lapitan siya nito. Pinababalik daw si Jairus ng crew kinabukasan upang makakain muli ito.

Labis na natuwa si Dianne nang malamn ito. Nagpasalamat din si Jairus kay Dianne, ngumiti muli at tuluyang umalis.

Samantala, isa namang realisasyon ang naisip ni Diane sa nangyari, Mabuti pa raw ang Jollibee crew at nang-alok pa na pakainin muli ang bata. Di raw gaya ng tila mas nakakataas na estado ng pamilya na may mga bag ng duty free noon na nagduda pa sa bata na baka ito ay may gawing masama.

Samantala, nagbahagi rin ng saloobin ang mga netizens ukol sa sitwasyon. Narito ang ilan sa kanilang mga pahayag:

"I pray for the safety and continued blessings for you, your family and to this boy and his brother. God is good, all the time. May He blessed this boy with a loving family, good health, knowledge, wisdom and strength to carry on with his life."

"Very touching. GOD Bless you madam and to the jolibee staff..thank you for helping others need..such a good samaritan..anyways the Boy is handsome and i gues he hav a good heart."

"If we dont know the people around us,just asked and do some question to them,dont judge according to their image,,,"

"Tinapos ko talaga basahin .. ang cute ng boy .. pati c bby grl parang magkapatid lanh .. anyway thank for this sharing story maam .. sana marami kapang matulongan even small amount of food to feed thier empty stomach .. .. nakakainspire"

" naiyak ako..tama mam..kun cino merong kakayahan magbigay sila ang di makapagbigay..pero ang mga limitado ang kakayahan magshre cla ang bukal s puso ang pagtulong...God bless u ate.."

You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay.

Ukay-Ukay (Bargain Store) 200 Pesos Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Agot Isidro, umiinit raw ang ulo sa diumano'y mga excuses ni Imelda Marcos

Agot Isidro, umiinit raw ang ulo sa diumano'y mga excuses ni Imelda Marcos

Agot Isidro, umiinit raw ang ulo sa diumano'y mga excuses ni Imelda Marcos
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel