Next level na! Vice Ganda, nagpa-'good shot' sa pamilya ng rumored boyfriend na si Calvin Abueva

Next level na! Vice Ganda, nagpa-'good shot' sa pamilya ng rumored boyfriend na si Calvin Abueva

- Naging tampulan ng asaran si Vice Ganda sa It’s Showtime dahil sa napapabalitang bagong boyfriend nito

- Binati kasi ng Phenomenal star ang pamilya ni Calvin Abueva

- Patuloy naman na inasar ni Vhong Navarro ang nasabing artista dahil sa mga haka-haka

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon sa mga netizens, tila nagpa-good shot daw ang Kapamilya comedian na si Vice Ganda sa pamilya ng basketball player at diumano’y kasalukuyang boyfriend nitong si Calvin Abueva.

Nalaman ng KAMI na nangyari ang pagbanggit sa pamilya ni Calvin sa gitna ng pagho-host ng aktor sa programang It’s Showtime.

Sa video na inupload sa Youtube, pilit na inasar ng ibang mga hosts si Vice dahil nga sa bali-balita na bago nitong boyfriend ang dating Alaska acer.

Patuloy naman ang tawanan ng mga hosts na si Amy Perez, Vhong Navarro, Mariel Padilla, at Anne Curtis dahil sa kanilang tila awkward na usapan.

Ibinalita ng Phenomenal star na may basketball match kinabukasan si Calvin at kinuha niya na din ang oportunidad upang batiin ang pamilya nito.

“May laro sila bukas, e…” pag-amin ni Vice.

“Hi sa mommy at saka sa lola ni ano… ni Calvin. Nanonood sila,” dagdag pa niya na nagdulot ng malakas na tawanan sa studio.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hindi naman naiwasang magkomento ng aktor na si Vhong tungkol sa kanilang topic at hindi din ito tumigil sa pang-aasar kay Vice.

Sinabi nito na bagay talaga ang dalawa dahil The Beast ang bansag kay Calvin sa PBA kaya’t tinawag ni Vhong na “Beauty and The Beast” ang love team ng kapwa host.

“Kaya pala naka-pink ka, ha…” pahayag ni Vhong.

“Ay sakto, Beauty and The Beast. Tingnan niyo si Vice, girl na girl,” pang-aasar pa niya.

Narito ang nakakatuwang video:

Sa nakaraang ulat ng KAMI, mas lalo pang pinalakas ng Unkabogable star ang haka-haka tungkol sa relasyon nila ni Calvin nang magpakita ito ng concern sa basketball player matapos masangkot sa isang gulo.

Isinilang noong March 31, 1976, si Vice ay isang Pinoy actor at television personality na bumida sa ilang mga Filipino highest-grossing films katulad ng Praybeyt Benjamin, Sisterakas, at The Revenger Squad.

POPULAR: Read more news about Vice Ganda!

Many of you had asked us to shoot The Nun prank – and we did it! So, today we are proud to present you an extraordinary lady, Scary Nun! In this episode, she is going to roam the streets of the Philippines and scare innocent people to death! (Laughs evilly) – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Jinkee Pacquiao, paulit-ulit umiyak dahil sa desisyon ni Jimuel na mag-boxing

Jinkee Pacquiao, ilang beses umiyak dahil sa pagsabak ni Jimuel sa boxing

Jinkee Pacquiao, paulit-ulit umiyak dahil sa desisyon ni Jimuel na mag-boxing
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel