Pinay OFW na minaltrato at inakusahang magnanakaw, negosyante na sa Pinas

Pinay OFW na minaltrato at inakusahang magnanakaw, negosyante na sa Pinas

-Hindi man pinalad si Ronelyn bilang overseas Filipino worker, nagawa naman niyang magtatag ng sariling negosyo

-Ginamit niya ang kanyang hilig sa sining upang makatayo sa kabila ng pait na dinanas sa kanyang amo

-Isa si Ronelyn ngayon sa mga supplier ng mga produkto sa mga department stores sa Davao City

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Minaltrato at inakusahang magnanakaw si Ronelyn ng kanyang amo noong siyang mamasukan bilang kasambahay sa Brunei.

Pinay OFW na minaltrato at inakusahang magnanakaw, negosyante na sa Pinas

Photo source: Entrepreneur Philippines
Source: UGC

Sa awa ng Panginoon, nagawa namang makauwi ni Ronelyn sa Pilipinas ng ligtas sa kanyang pamilya.

Sa kabila ng mapait na karanasan, pinilit nitong tumayong muli at naghanap ng maaaring pagkakitaan sa sariling bansa

Dahil sa kanyang hilig sa sining, sinubukan niyang gamitin ang talento upang makahanap ng maaari niyang pagkakitaan.

Um-attend si Roneyln ng mga trainings na ibinabahagi ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Sa pamamagitan nito natutunan niya ang flower-making at DIY invitation card designs gamit ang abaca sheets.

Pinay OFW na minaltrato at inakusahang magnanakaw, negosyante na sa Pinas

Photo source: Ronelyn Achacoso
Source: UGC

Pinay OFW na minaltrato at inakusahang magnanakaw, negosyante na sa Pinas

Photo source: Ronelyn Achacoso
Source: UGC

Dala ng kanyang pagsusumikap, pinatatakbo na niya ngayon ang sariling negosyo, ang Nelyn's handicrafts na nagsu-supply na rin sa mga department stores sa Davao city, ang kanyang hometown.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Isa si Ronelyn sa mga Pilipinong hindi nagpadaig sa pait ng karanasan, bagkus ay ginamit ito upang mas patatagin ang sarili.

“Our country is not a wealthy country, so we need to create wealth through our own efforts. Put up a business which is suited to your skills, knowledge, and capabilities. Don’t be discouraged; it’s just normal for a businessman to experience ups and downs.” ani Ronelyn.

Ang pahayag na ito ni Roneyln ay mula sa documentary na ginawa ng National Reintegration Center for OFWs (NRCO) sa ilalim ng Department of Labor and Employment (DOLE), at ka-partner ang International Organization for Migration (IOM).

Samantala, ibinahagi ni Ronelyn ang isa sa mga likha ng kanyang anak na mukhang mamanahin ang kanyang hilig sa sining.

Pinay OFW na minaltrato at inakusahang magnanakaw, negosyante na sa Pinas

Photo source: Ronelyn Achacoso
Source: UGC

Philippines tricky questions: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Victoria's Secret Angel Kelsey Merritt, bagong Sports Illustrated model na rin!

Victoria's Secret Angel Kelsey Merritt, bagong Sports Illustrated model na rin!

Victoria's Secret Angel Kelsey Merritt, bagong Sports Illustrated model na rin!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel