"Gender X", aprubado nang ipalagay sa birth certificate kung di ka babae o lalaki

"Gender X", aprubado nang ipalagay sa birth certificate kung di ka babae o lalaki

- Maari na raw gamitin ang "gender X" sa New York City kung di mo masabi na isa kang babae o isa kang lalaki

- Pinirmahan na ng kanilang Mayor na si Bill de Blasio ang batas na maari nang gamitin ang "gender X" sa birth certificate at maging sa lisensya

- Labis itong ikinatuwa ng mga transgender advocates

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinirmahan na ni Mayor Bill De Blasio ang batas kung saan maari nang gamitin sa New York City ang "gender X" sa birth certificate o anumang legal na transaksyon.

Kung di ka isang lalaki at di ka rin isang babae, malaya nang magagamit ang "gender X" na maituturing na ikatlong gender category.

Ayon pa sa GMA news, panglima na raw ang New York sa pagsasabatas ng gender X sa Amerika. Nauna na ang California, Oregon, Washington state at New Jersey.

Sa tatlong state naman ng Washington D.C., mayroon din silang gender neutral driver's license.

Dahil dito, labis na natuwa ang mga transgender advocates. Para raw kasi sa kanila, maituturing na isang uri ng deskriminasyon ang sapilitang paglalagay ng 'babae' o 'lalaki' gayung labag daw ito sa kanilang kalooban.

At nahil naisabatas na ang 'gender X', maari nang baguhin ng mga transgender na taga-New York City ang kanilang birth certificate kalakip ang personal na affidavit. Maisasagawa rin ito kahit pa wala nang basbas ng doktor.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“This change may seem small but it is monumental,” ayon sa transgender activist na si Tanya Asapansa-Johnson Walker.

Samantala, taong 2014 nang payagan sa New York City ang pagpapalit kasarian ng mga transgender sa kanilang birth certificate mula male gawing female at female gawing male.

You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay.

Ukay-Ukay (Bargain Store) 200 Pesos Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Ex-lovers, nagkita muli at agad nagpakasal pagkatapos ng 57 taon

High school sweethearts, nagpakasal matapos ang 57-taon na paghihiwalay

High school sweethearts, nagpakasal matapos ang 57-taon na paghihiwalay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel