13 Celebrity kids na gumraduate at nagmove up sa studies nila ngayong 2018

13 Celebrity kids na gumraduate at nagmove up sa studies nila ngayong 2018

Kamakailan lang ay ginanap ang mga graduation at moving up ceremonies sa mga eskwelahan dito sa Pilipinas.

At ang ilang mga estudyante rito ay mga anak ng kilalang mga artista.

Dahil dito, sisilipin ng KAMI ang mga proud moments ng mga celebrity parents na ito nang ang kanilang pinakamamahal na mga anak ay gumraduate at nagmove up sa kanilang studies ngayong 2018.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Heto na ang 13 celebrity kinds, in no particular order, na gumraduate o nagmove up sa studies nila ngayon 2018.

1. Jericho Rosales' son

Ang anak ni Jericho Rosales na si Santino Rosales ay gumraduate ng highschool kamakailan lang at nagbahagi ang proud dad ng graduation pics ng anak.

Ipinanganak umano ang binata noong 2000 at bukod sa nakuha niya ang pagiging matinee idol look ng daddy niya ay isa rin umano siyang magaling na football player.

2. Jinkee at Manny Pacquiao's children

Ang dalawang anak ng showbiz power couple na sina Jinkee at Manny Pacquiao ay parehong gumraduate sa kanilang studies at present ang dalawang proud parents nila.

March 22, ngayong tao ginanap ang graduation at moving up ceremonies ng dalawa sa KCC Convention and Events Center sa General Santos City.

Si Michael ay nagmove up sa junior high school habang si Princess ay gumraduate ng Grade 6 mula sa Hope Christian School sa GenSan.

3. Claudine Barretto's eldest

Ang eldest na anak ng The Optimum Star na si Sabina Barretto ay gumraduate sa Multiple Intelligence International School.

Sinamahan si Claudine ng kanyang leading man na si Piolo Pascual.

4. Sunshine Cruz 's pretty girls

March 23, ang 40-year-old actress ay umaattend sa graduation ceremonies ng kanyang anak na si Angelina, na nagtapos ng Grade 10 sa De La Salle Santiago-Zobel School sa Alabang, Muntilupa City.

At noong March 24 naman, ay ang graduation rin umano ng youngest pretty girl ni Sunshine na si Chesca ang naggraduate ng Grade 6.

5. Aiko Melendez's mini-me

Ang babaeng anak ni Aiko Melendez na si Marthena ay incoming Grade 7 rin raw sa Saint Pedro Poveda College sa Quezon City.

Sinamahan ni Aiko ang anak sa stage para sa nasabing ceremony na naganap umano noong March 26.

6. Jose Manalo's youngest girl

Komplete ang mga anak ni Eat Bulaga Dabarkad Jose Manalo sa graduation day ng kanilang bunso na si Colyn.

Ani pa sa balita, mula sa kaliwa hanggang sa kanan, ang mga anak ni Jose together sa isang picture sa taas ay sina Benj, Myki, Ai, at Nicco.

7. Precious Lara Quigaman and Marco Alcaraz's son

13 Celebrity kids na gumraduate at nagmove up sa studies nila ngayong 2018

Credit: Instagram/Marco Alcaraz
Source: Instagram

Isang proud dad naman ang aktor na si Marco Alcaraz sa kanilang panganay na si Noah dahil kamakailan lang ay nagmove up na ito sa Cradle and Crayons Learning Center.

Nakatanggap pa ito ng "Most Kind and Super Citizen" award sa nasabing school

8. Cherry Pie Picache's son

Tinapos naman ng anak na lalaki, unico hijo, ng batikang aktres na si Cherry Pie Picache ang junior high school with flying colors pa sa Ateneo De Manila University sa Quezon City.

Tumanggap ng silver medal para sa kanyang academic excellence at Gawad San Juan de Brebeuf sa Katngi-tanging Manlalaro para sa kanyang athletic achievements si Antonio Tria.

9. Bianca Lapus and Vhong Navarro

Ang anak ng mag-ex na sina Bianca Lapus at It's Showtime host na si Vhong Navarro ay larawan ng mga proud parents ng si Isaiah Navarro o mas kilala raw sa pangalang Yce ay gumraduate ng high school sa O.B. Montessori.

10. Bernadette Allyson and Gary Estrada

Ang aktres na si Bernadette Allyson at ang mister nitong si Gary Estrada ay puno ng kaligayahan nang ang kanilang magandang anak na babae na si Gabbi ay tumanggap ng diploma para sa moving up niya mula sa Grade 6 sa Saint Pedro Poveda College sa Quezon City noong March 26.

11. Francis M. at Pia Magalona's son

Nagtapos naman ang anak ni Pia Magalona na si Arkin sa K12-program ng Montessori Integrated School.

12. Ina Raymundo's kids

Ang gwapo at prety kids ni Ina Raymundo na sina Jacob at Miki, respectively, ay nagmove up rin, kamakailan lang.

13. Alma Concepcion

Ang anak ni Alma Concepcion na si Cobe Puno ay gumraduate na ng high school at ngayon ay nasa kolehiyo na.

Gumraduate nga ang 18-year-old son ng aktres mula sa Ateneo de Manila High School sa Quezon City noong March 25.

Una naming naispatang ang listahang ito sa GMA News Online at PEP.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Girl from a viral video does 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV

Girl from a viral video does 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV

Girl from a viral video does the 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel