Binatilyong suspek, may gusto pala sa guro na kanyang napaslang sa Albay

Binatilyong suspek, may gusto pala sa guro na kanyang napaslang sa Albay

- Napaslang ng isang menor de edad ang isang guro sa Albay

- Nakita ng pulisya ang anggulong panggagahasa sa biktima

- Hustisya ang hangad ng asawa ng biktima na labis na nagdadalamhati sa nangyari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nitong nakaraang Huwebes, Oktubre 9, isang guro ang walang awang napaslang sa Albay.

Natutulog ang guro sa principal's office ng paaralan sa Pio Duran nang gulatin ito ng menor de edad na suspek ng saksak.

Narinig ng dalawang estudyante na natutulog din sa kabilang kwarto ng guro ang paghingi nito ng saklolo ngunit nasaksak din sila at maswerteng nakatakas.

Ayon sa pulisya ng Pio Duran, malaki raw ang posibilidad na may gusto ang 17 taong gulang na suspek sa 24 na taong gulang na biktima.

Tinitingnan nila ang anggulo ng panggagahasa dahil sa mga kalmot nito at dugo sa kuko ng biktma.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Nakitaan namin siya ng mga kalmot, so yun po ang nagbigay sa amin ng lead. May nakita ako sa kuko na ano... parang blood," wika ni Pio Duran chief of police Chief Inspector Joseph Abel Jarabejo.

Wala raw force entry na naganap at marahil, nagtago na lamang ang suspek sa loob ng silid at hinintay lamang na makatulog ang biktima.

Natutulog ang guro sa Principal's office dahil sa wala itong bahay sa Pio Duran. Mahigit 40 kilometro pa ang kanilang bahay mula sa paaralan.

Hiling naman ng asawa ng biktima na magkaroon ng hustisya ang wala sa oras na pagkamatay ng asawa na siyang dahilang ng pagkaulila ng kanilang mga anak.

Samantala, di na nagbigay pa ng pahayag ang suspek na ngayon ay nakakulong na.

Mahaharap ang suspek sa kasong murder at frustrated murder.

You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay.

Ukay-Ukay (Bargain Store) 200 Pesos Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay

Magkapatid, natagpuang magkayakap ang bangkay sa nasunog na bahay

Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel