Netizens, iba-iba ang reaksyon nang malamang may nanalo na ng P1.18 billion jackpot

Netizens, iba-iba ang reaksyon nang malamang may nanalo na ng P1.18 billion jackpot

- May nanalo na nga ng P1.18 billion Lotto jackpot noong Linggo

- Iba-iba naman ang naging reaksyon ng mga netizens dito

- Naglabas na rin ng impormasyon ang PCSO kung saang outlet galing ang nanalo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Linggo ng gabi nang inanunsyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na may nagwagi na ng P1,180,622,508 billion na jackpot sa Ultra Lotto 6/58.

Naiulat ng KAMI na dalawa ang sinabing nanalo at paghahatian ng winners ito at may bawas na 20-percent tax.

Ang winning combination ay: 40, 50, 37, 25, 01, at 45.

Subalit, umani naman ng iba’t-ibang reaksyon sa mga netizens ang pag-announce ng winner.

Para sa iba, baka damitin lang daw ng PCSO ang pera para may budget sa darating na eleksyon sa 2019. Sabi naman ng iba, baka raw hindi totoo na may winner kaya gusto nila ng pruweba rito. Heto naman ang ilang comments ng mga netizens sa Facebook page ng GMA News:

“Ipakita nila ung ticket saka outlet kong my nanalo baka pcso ang nanalo malapit na ang election”
“Suerte ng taga PCSO malaking budget yan sa election and the winner is PCSO malapit na kasi election kaya pinalabas na may nanalo na”
“Ganyan talaga ang PCSO every time na malapit na ang election pinapaDAMA lng nila ang mananaya pag sobrang laki na e dedeclare nila me NANALO NA! Para maiwasan ng mananaya na niloloko sila ipakita ng PCSO ang TICKET ng nanalo me DATE naman yon... that’s is! Titigil ang usapin sa knila...”
"Sobrang yaman na ng PCSO sa pangongotong. lagi nalang dalawa."
"yung lately na umabot 300m yung nanalo dalawa nanaman. ngayon dalawa nanaman. pag malaki talaga no naduduplicate nlng si solo winner.”
“We wish that these winners are real and proof genuinity exists.”

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sagot naman ng ibang netizens, “bitter” lang daw ang iba at tanggapin na lang na may nanalo na. Narito pa ang ibang comments ng mga netizen:

“MGA TALANGKA WAG KAYONG BITTER HINDI NAMAN KAYO PINILIT TUMAYA NG PCSO!!!”
“Tanggapin nlang ang pagkatalo... Mayron pa nman sunod.... Hindi pa ngayon ang swerte nyo.... Tiwala lang sa puong may kapal...”
“PAG HINDI KYO NANALO DINAYA,PATI B NMAN S LOTTO PARANG ELECTION...”
“Ang daming masama loob dshil di nanalo .kung ano ano sinasabi diskumpyedo pala kau taya pa kau ng taya hahaha”

Ayon naman sa Facebook post ng PCSO, ang dalawang winners ay galing sa Legazpi City, Albay at Borongan, Eastern Samar.

Today we are going to ask Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! If a Ship Sank, Where Would You Bury The Survivors? This questions might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Magkapatid, natagpuang magkayakap ang bangkay sa nasunog na bahay

Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay

Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel