Kapatid ng OFW, galit na isiniwalat ang pagnanakaw daw ng LBC sa padala sa kanila

Kapatid ng OFW, galit na isiniwalat ang pagnanakaw daw ng LBC sa padala sa kanila

- Viral ang post ng kapatid ng isang OFW na isiniwalat ang pagnanakaw daw ng LBC

- Galit na galit ang netizen na si Sharlin Aguilar at halos naubos daw ang pinagpaguran ng kanyang ate na padala sa kanila

- Naglabas din ng saloobin ang mga netizen tungkol sa karanasan nila sa pagpapadala sa naturang kompanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Galit na binahagi ng netizen na si Sharlin Aguilar ang kanilang karanasan nang matanggap ang balikbayan boxes ng kanyang kapatid na OFW.

Nalaman ng KAMI na di raw sanay maglabas ng saloobin si Sharlin sa Facebook ngunit di raw niya maatim ang 'pagnanakaw' raw ng LBC sa kanila.

Sa post, makikitang halos maubos na raw ang mga inaasahan nilang padala ng kanyang ate. Bukod kasi sa mga tsokolate at ibang imported na pagkain, mayroon din daw sana itong cellphone at bag na para sa kanilang ina. Pawang ang mga iyon ay 'nakuha' na rin dahil sa wala na ito sa balikbayan box.

Mariing giniit ni Sharlin na ang may kagagawan daw ng pagkawala ng mga padala ay ang courier nito na LBC. Maayos naman daw nagbayad ang kapatid ni Sharlin kaya wala raw rason ang kumpanya na salaulain at nakawin ang laman ng mga kahon.

Sana raw, di nalang dineliver ang mga kahon kung ganun lang din naman daw ang kanilang madadatnan. Dagdag pa ni Sharlin, makonsensiya naman daw sana ang mga gumawa nito dahil pinaghirapan at pinagpagura ng ate niya ang mga ito maipadala lamang sa pamilya rito sa Pilipinas.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, nakisimpatya ang ilang netizens kay Sharlin at binahagi rin ang di nalalayong karanasan sa nangyari sa pamilya ni Sharlin.

Narito ang ilan sa kanilang mga pahayag:

"nagpadala ako ng balikbayan box, di ko hinulog sa #LBC, daming kawatan na gumagapang, wala akong tiwala sa company na yan.... kaya sa SKYFREiGHt ko pinadala balikbayan box ko, barko pa.. thank GOD, kahit isa walang nawala sa pinadala ko. maganda din kasi pagkapackage ko, inikotan ko talaga ng packaging tape... pero ro kahit anong tape mo, kung ang nasa palagid na pinagkatiwalaan mo, puro kawatan, magnanakaw talaga... kaya goodbe LBC.."
"patay gutom lng ang peg ..ang kapal ng mga muka nyo ..kilala pa nman ang company nyo . tpoa mga empleyado mga patay gutom lng .. bat hindi nlang kau ang mg trabaho sa abroad then kau nman ang magpadal ng package sa pamilya nyo ..tpos gawin sainyu yan nu kya mapifeel nyo .. ay naku nman may mga tao tlgang clepto .. may karma din kau .."

"Tama!!mga magnanakaw talaga ang mga yan!ksi ung pinadala dn s amn ng ate q,3 pairs n gold earing galing canada nawala dn!!at ung mga dmit s loob ng box wla n ung mga bago.."
"Try nyo DHL na lang magpadala ng package. Yung ate 10 yrs ng sa DHL nagpapapackage never kami naka encounter ng problem."
"Next time wrap ng maraming packaging tape yung whole box (top to bottom,side to side) tapos lagyan ng pangalan lahat ng side ng box para alam agad if tampered or not yung box.."

Samantala, wala pang nilalabas na pahayag ang LBC tungkol sa naturang insidente.

You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay.

Ukay-Ukay (Bargain Store) 200 Pesos Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Aktwal na video ng pagsanib sa 1 bata! 16-anyos na pinatay umano, nagpasaklolo

Aktwal na video ng pagsanib sa 1 bata! 16-anyos na pinatay umano, nagpasaklolo

Aktwal na video ng pagsanib sa 1 bata! 16-anyos na pinatay umano, nagpasaklolo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel