Foul! Kevin Murphy at Calvin Abueva, nagka-pisikalan sa court

Foul! Kevin Murphy at Calvin Abueva, nagka-pisikalan sa court

- Umabot na sa pisikalan ang laro ng San Miguel Beermen at Phoenix Fuel Masters sa PBA Governor’s Cup

- Nagka-initan si Kevin Murphy ng Beermen at Calvin Abueva ng Fuel Masters

- Giit naman ni Murphy na hindi niya raw sinakal si Abueva

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nauwi sa pisikalan ang laro ng San Miguel Beermen at Phoenix Fuel Masters noong Biyernes sa Mall of Asia Arena.

Habang nasa 4th quarter ng PBA Governor’s Cup, tila hindi na napigilan ng dating Utah Jazz player at import ng Beermen na si Kevin Murphy na maging pisikal sa ‘The Beast’ at Fuel Masters player na si Calvin Abueva.

Nalaman ng KAMI sa video na parang nasakal at nahila na ni Murphy si Abueva. Pinigilan naman sila ng kanilang teammates at referee. Pinatawan din ng foul penalty 1 si Murphy dahil dito.

Depensa naman ni Murphy ay hindi niya sinakal si Abueva.

“I mean, it was really just trying to hold him up. It just so happened that my arm was around his neck,” sabi ni Murphy.

“But I didn't choke him, I was just holding him. He just kept pushing me back. So, I mean, I'm not a dirty player, you know what I mean, so it is what it is,” dagdag niya pa base sa report ng SPIN.ph.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Para naman kay Abueva, dapat daw ay pang F2 na ang pinataw kay Murphy.

“Pang F2 na yun, a,” sabi ni Abueva.

“So puwede pala yun. Try ko rin yan para malaman kung gaano ka-F2 or ka-F1 yan,” dagdag pa ng The Beast.

Inasahan naman daw ni Murphy na aabot sa pisikalan ang kanilang laro.

“I mean, I expect it to be physical but my thing is, if you are going to play physical, that’s cool but don’t do cheap shots. I’m okay with you playing physical, you playing hard, you compete," giit ni Murphy.

“But my thing is, if you hit me with cheap shots the whole game and the referees are letting it go, I can play through that but it don’t mean that I like it," dagdag niya pa.

Sa huli ay nanalo pa rin ang San Miguel na may score na 117-100.

Today we are going to ask Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! If a Ship Sank, Where Would You Bury The Survivors? This questions might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Girl from a viral video does the 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV

Girl from a viral video does 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV

Girl from a viral video does the 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel