Sinabutahe! Concert ni Regine Velasquez sa US, muntik nang hindi natuloy

Sinabutahe! Concert ni Regine Velasquez sa US, muntik nang hindi natuloy

- Muntik nang mabulilyaso ang concert ni Asia’s Songbird Regine Velasquez

- Positibong hinarap ng mga malalapit ni Regine ang kanilang mga pinagdaanan para maituloy ang R3.0 USA tour

- Nagbigay naman ng mensahe ang brother-in-law ni Regine na si Raul Mitra sa taong umano ay sumabotahe sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan, positibong hinarap ng mga malalapit na kaibigan ni Asia’s Songbird Regine Velasquez ang hirap para maituloy ang R3.0 USA tour.

Ito ay kasunod ng hindi pagkakatuloy ng ilan sa concert tour sa America ni Regine na kanyang inanunsyo sa kanyang Instagram.

Ibinahagi naman ng Brother-in-law ni Regine na si Raul Mitra ang kanilang litrato na nakarating na sila sa Amerika. Kalakip nito ay ang maanghang na mensahe para sa umano'y sumabotahe sa kanila.

“To the person(s) who have been wishing ill on this group and this tour, you can lie to us and even to yourself, but if you really believe in your Lord & God, then you would know that He sees right through you and knows what you’ve done,” panimula niya.

Tila kilala naman nila ang tinutukoy nitong tao na nagdulot ng sakit at inconvenience sa kanila.

“You have revealed your true color, and I can only hope that you at least realize that it isn’t just the producers, Regine, & our group that you have inconvenienced and hurt, but the many people who took the time out of their busy lives just to watch a concert, only to have their precious time wasted because of your pettiness and black heart.”

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Masaya at nagpapasalamat ito na sa wakas ay maitutuloy na ang concert.

“Thankfully you did not fully succeed, & we are now here in San Francisco to continue what you failed to derail. So screw you, & have a miserable life full of envy and failure. #karmasabitch #R3.0USATour,” saad pa nito.

Si Regine Velasquez-Alcasid na tinaguriang Asia's Songbird ay kumpirmado nang lilipat ng network mula sa GMA-7 kung saan siya nagtrabaho sa loob ng dalwang dekada.

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Samantala, marami ang sorpresa sa naging anunsyo ni Regine na magiging bahagi siya ng ASAP Live in Sydney sa unang pagkakataon sa darating na October 20.

Source: Kami.com.ph

Related news
4-anyos hindi pwedeng makita ng ina dahil sa matinding dahilan

4-anyos na bata, ayaw ipakita ng lola at DSWD sa ina dahil sa matinding dahilan

4-anyos na bata, ayaw ipakita ng lola at DSWD sa ina dahil sa matinding dahilan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel