Sweet! 14 Date ideas mula sa mga nakakakilig na celebrity couples

Sweet! 14 Date ideas mula sa mga nakakakilig na celebrity couples

Kung nag-iisip kayo ng bagong date plan with your one and only love of your life, narito ang 14 celebrity couples na may napakasweet dating ideas para sa inyo.

Naispatan ng KAMI ang mga nakakakilig moments ng mga kilalang celebrity couples sa industriya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

1. Couple cool twinning trends date night out

Kung hindi nyo pa na-itry ang magtwinning kasama ng inyong Mi Amor baka gusto ninyong subukan gaya na lang ng Kapuso King at Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

2. Horseback-riding adventure

Pwede rin ninyong subakan ang horseback-riding na magkasama kayong sumakay sa kabayo.

Ang sweet siguro noon gaya na lang ng mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico na nahihilig sa ganitong bonding moment o date out sa New Zealand.

Bukod pa umano rito ay nag-hiking din ang social media famous couple at nag-road trip rin gamit raw ang isang camper van.

3. Exciting Truffle hunting

Isa raw sa bucketlist ng Queen of Soap Operas na si Judy Ann Santos at Dabarkad ng Eat Bulaga na si Ryan Agoncillo ay ang mag-truffle hunting.

Kaya raw ito nila sinubukan nang bumisita sila sa Italy.

4. Art exhibit viewing

Bukod pa sa fashion at politics, na nahihilig ang mag-asawang Heart Evangelista at Chiz Escudero ay tila nagkayayaan ang misis at mister sa isang art exhibit na sila ay inimbita.

Hindi rin lingid sa ating kaalaman ang pagkahilig ni Heart sa art.

5. Long motorcyle ride thrills

Kung gusto ninyo na kayong dalawa at magtravel ng malayo sa mga probinsya at amuying ang preskong hanging ng lugar ay long distance motorcycle ride date idea ay talaga namang nakakawili itry dahil na rin sa thrills at ang sweet bonding moments ninyo together habang nagmamaneho ng motor si Oyo, angkas naman si Kristine.

6. Theme park sweet treats with couple shirts

Theme park date out ay isa ring espesyal na sweet treats at bonding moments ng iyong minamahal lalo na't may couple shirts pa.

Wholesome pero super fun at talaga namang nakakaaliw at nakakawindang na mga rides gaya na lang ng date out nina Jak Roberto at Barbie Forteza noong pumunta sila sa Hong Kong Disneyland.

7. Bowling fun vibes

Kung hindi niyo pa nasubukang magbowling, pwede ninyo ng itry at mayroon pang pahabol tip si Paolo Contis para mas fun at memorable ang date nila ni LJ Reyes.

8. Beach trip loving

Sa mahihilig magbeach na magcouples, ito na siguro ang bet na bet ninyong date out at talaga namang walang tatalo sa magandang hanging, puting buhangin, tunog ng mga alon lalo na't kung kayo lang sa isla o sa beach gaya na lang nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.

9. Drinks and sweet music

Pwede ring magchil out at magrelax sa isang bar while sharing some cheers and drinks and sweet night out.

10. Boating

Kung nasa beach na rin naman kayo, pwede ninyong itry ang boating at maganda yung kagaya kina Ruffa Gutierrez at boyfriend na si Jordan Mouyal.

11. Unforgettable Dinner in the Sky date night

At kung gusto ninyo ng fine dining while nasa taas kaayo ng mga ulap, go for the dinner in the sky like Asawa Ko, Karibal Ko star Kris Bernal at kanyang beau.

12. Under the water adventure - Scuba diving

Pwede rin ninyong itry ang under the sea adventure ng magsing-irog na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

13. Off-roading adventure terrain

Kung nasa Dubai naman kayo, pwede rin ninyong itry ang off-roading adventure terrain, may camping rin sila doon sa desert at camping adventure gaya ng billionaire husband and wife Victor Consunji at Maggie Wilson.

14. Babymooning escapade

Kung mayroong honeymoon, mayroon ding babymoon gaya na lang ng ginawa ni Iya Villania at Drew Arellano, na nag baby mooning sa isang napakaganda at tahimik na beach resort.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Estudyanteng di makapagsagot ng exam sa sobrang gutom, dinagsa ng tulong

Estudyanteng di makapagsagot ng exam sa sobrang gutom, dinagsa ng tulong

Estudyanteng di makapagsagot ng exam sa sobrang gutom, dinagsa ng tulong
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel