Golden State Warriors bilang NBA Champion na pursigido makamit ang three-peat

Golden State Warriors bilang NBA Champion na pursigido makamit ang three-peat

- Apat na beses na nga nagtapat sa NBA court ang Golden State Warriors (GSW) at Cleveland Cavaliers

- Tatlong beses naman naging champion ang GSW sa mga naging laban nilang ito

- Pursigido rin ang GSW na makamit ang three-peat ngayong season na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Simula nga noong 2015 ay naglalaban na para sa kampyonato ang Golden State Warriors (GSW) at Cleveland Cavaliers sa National Basketball Association (NBA).

Nalaman nga ng KAMI na Tatlong beses na hinirang na champion ang GSW noong 2015, 2017 at 2018.

Noong 2015 nga ay nagharap sa finals ang Warriors at Cavaliers. Game 1 at 2 pa lang ay nanalo na ang Warriors. Pero lumaban at bumawi ang Cavaliers noong Game 3. Subalit, sa tatlong sunod na games naman ay nakamit ng GSW ang tagumpay.

2016 NBA finals naman noong muling maglaban ang Cavaliers at Warriors para sa championship. Naipanalo ng Cavaliers ang laban at hinirang din na unanimous Finals MVP si Lebron James noon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Taong 2017 at 2018 naman nang dumating ang NBA All-Star player na si Kevin Durant sa Golden State mula Oklahoma City Thunder. Hindi maitatanggi na mas lumakas ang GSW dahil dito at tinawag na “super-team” ng mga tao. Naging champion muli ang GSW at hinirang na NBA Finals MVP si Durant noong 2017 at 2018.

Kamakailan nga lang ay may mga balitang lumabas na posibleng umalis sa GSW si Kevin Durant. Pero hanggang ngayon ay wala pa ring official statement ukol dito. Tila napunta nga sa panganib ang pangarap ng GSW na mag three-peat.

Pero, pursigido naman ang GSW na makamit ang three-peat para sa NBA Season ’18-’19. Sabi ng GSW star player at two-time NBA MVP na si Stephen Curry, handa naman sila para makamit ang tagumpay.

“We talk about the three-peat just because it's in front of us,” sabi Curry ayon sa report ng ABS-CBN News.

“I don't think it's something that's repeated every single day. But when we start the season, obviously we lay everything out on the table, what's at stake in terms of our expectations.

“We understand that winning a championship is attainable if we take care of our business, and doing it three years in a row is a tremendous opportunity for us that we should not be afraid to talk about and go after," dagdag pa ni Curry.

Naghahanda naman na ang Warriors para sa season ngayon lalo na at nasa kanila na ang All-Star center na si DeMarcus Cousins.

Today we are going to ask Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! If a Ship Sank, Where Would You Bury The Survivors? This questions might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Dalagitang malaki ang pinayat, ginawang inspirasyon ang dating sarili

Dalagitang malaki ang pinayat, ginawang inspirasyon ang dating sarili

Dalagitang malaki ang pinayat, ginawang inspirasyon ang dating sarili
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel