Senado, malapit na aprubahan ang ‘Proof of Parking Space Act’

Senado, malapit na aprubahan ang ‘Proof of Parking Space Act’

- Malapit na aprubahan sa Senado ang “Proof of Parking Space Act”

- Giit ni Sen. Sherwin Gatchalian, makakatulong daw ito maibsan ang traffic

- Responsibiladad daw ng mga tao ang parking space kapag bibili sila ng kotse

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isinusulong nga sa Senado ngayon ang pagkakaroon ng parking space ng mga bawat tao na bibili ng kotse. Nalaman ng KAMI na ayon sa Senate Bill No. 201 o “Proof of Parking Space Act”, dapat may nakalaang parking space na sa mga bawat kotse na ibebenta sa mga tao sapagkat responsibilidad daw nila ito.

“The concept really here is responsibility when you buy vehicles. We are now putting the responsibility on the car owners,” sabi ni Sen. Sherwin Gatchalian, ang author ng bill.

“If you buy cars, you have to make sure that you have a parking space for your own vehicle,” dagdag niya pa.

Senado, malapit na aprubahan ang ‘Proof of Parking Space Act’

Photo from PTV News
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Para kay Sen. Gatchalian, makakatulong ang patakarang ito upang maibsan ang traffic kung sakaling maisabatas.

“I think this is quite relevant at this time because, if you try to pass the side streets to avoid traffic in major thoroughfares, there is a greater chance that you’ll get stuck in traffic due to the cars parked along the narrow streets,” sabi ni Gatchalian.

Kalakip ng bill na ito ang pagbibigay kapangyarihan sa Land Transportation Office (LTO), Metro Manila Development Authority (MMDA) at local government units (LGU) na inspeksyunin ang mga daanan sa National Capital Region at maaari rin nilang paalisin ang mga naka-illegal park na mga sasakyan.

Base sa report ng LTO ay umabot na ng 10, 410,814 ang mga rehistradong sasakyan mula 2015 hanggang 2017. Pumaptatak na 1,000 ang bago rehistro at 600 dito ay bagong biling kotse.

“It is better to have a national policy so that the local governments may impose that national law. The local governments are also quite sensitive to the comments of their own constituency,” giit ni Gatchalian.

“Alleviating the constant struggles of the commuting public should be one of government’s top priorities,” dagdag niya pa.

Naiulat nga ng KAMI noon na aprubado na sa Senado ang Senate Bill 1326 o Safe Streets and Public Spaces Act of 2017 kung saan bibigyang penalty ang mga catcallers o street-level harassers.

Today we are going to ask Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! If a Ship Sank, Where Would You Bury The Survivors? This questions might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano

Anak na diumano'y dinukot, nailigtas matapos humingi ng tulong

Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel