Binatilyong nagbirong nakabuntis siya, supalpal naman sa rebelasyon ng kanyang ina

Binatilyong nagbirong nakabuntis siya, supalpal naman sa rebelasyon ng kanyang ina

- Viral ang 'April fools' prank ng isang binatilyo sa kanyang ina at kakaibang rebelasyon nito

- Makikita ang usapang ng mag-ina kung saan inamin ng anak na lalaki na nakabuntis siya ngunit isang rebelasyon namang hinayag ng kanyang ina

- Gumanti naman ang ina sa kanyang banat na ampon lamang daw ang anak na labis din nitong kinagulat

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang "April Fools" na usapan ng mag-ina na nauwi sa rebelasyon ng ina sa anak.

Makikita sa post na binahagi ng Pilipino news ang usapan ng mag-ina kung saan sinabi ng binatilyong anak sa kanyang ina na nabuntis daw niya ang kanyang nobya.

Sa usapan, mapapansing tila nasa ibang bansa ang ina na marahil ay isang OFW.

Bagaman at hindi naman ito totoo, di maiwasang sumama ng loob ng ina dahil sa nagpapakahirap daw siyang magtrabaho at ganoon lamang ang gagawin

Binatilyong nagbirong nakabuntis siya, supalpal naman sa rebelasyon ng kanyang ina

Nasabi pa raw ng ina na lumayas ang anak sa kanilang bahay at danasin na buhayin ang kanyang mag-ina.

Mapapansing biglang natakot na ang binatilyo sa mga reaksyon ng ina kaya sinabi niyang di totoong nakabuntis siya at parte lamang iyon ng "April fools".

Ngunit, patuloy pa rin ang panenermon ng ina hanggang sa nasambit nito ang linyang " Mula nang kinuha ka namin ng Papa mo..." na siyang kinataka ng binatilyong anak.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Binatilyong nagbirong nakabuntis siya, supalpal naman sa rebelasyon ng kanyang ina

Agad niyang nilinaw sa ina kung ano ang ibig sabihin nang "kinuha" na kanyang nabanggit.

Walang ano ano na sinabi ng ina na ampon lamang daw ang binatilyo.

Lalong natakot ang binatilyo na malamang nagulat sa rebelasyon ng ina.

Maya- maya pa ay sinabi na rin ng ina na isa lamang itong biro na bahagi ng "April Fools".

Natuwa ang mga netizens na nakabasa ng post na ito. Isa lamang daw itog pruweba na di patatalo ang mga magulang basta basta sa kanilang anak pagdating sa mga biruan.

Binatilyong nagbirong nakabuntis siya, supalpal naman sa rebelasyon ng kanyang ina

You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay.

Ukay-Ukay (Bargain Store) 200 Pesos Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Another story of infidelity earns viral thrashing

Man who chose new lover over his family earns online backlash

Man who chose new lover over his family earns online backlash
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel