Kwento ng isang pastor na pinakasalan ang nagahasa at dating 'prosti', nag-viral
- Nag-viral ang na post ng Rescue Kabataan founder na si Abegail Mesa Raymundo patungkol sa kanyang pagpapakasal
- Buong tapang niyang kinuwento ang knyang madilim na nakaraan na di na niya inasahang may lalaki pang pakakasalan siya
- Naantig ang puso ng mga netizens at nagkaroon daw sila ng pag-asa na mahahanap pa ang "forever" nila
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Kahanga-hanga raw ang post ng Rescue Kabataan founder na si Abegail Mesa Raymundo tungkol sa kwento ng kanyang buhay pag-ibig.
Bukod kasi sa pagsasalaysay niya kung paano niya nahanap ang kanyang "forever", buong tapang na kinuwento ni Abegail ang madilim niyang nakaraan.
Di raw akalain ng founder ng Rescue Kabataan na may lalaki pang pakakasalan siya. Biktima kasi ng 'gangrape' si Abegail noong siya ay 19 na taong gulang lamang.
Mula sa saklap na sinapit sa karanasang iyon, kalaunan ay nagi naman siyang "prostitute". Nagawa raw niya iyon bilang bahagi ng kanyang pagrerebelde sa sinapit niya. Inamin rin niya na sa mga panahong iyon, tila ba ay wala siyang kinikilalang Diyos.
Sa mga panahon ding iyon, di na rin niya naisip ang konsepto ng pagpapakasal dahil na rin sa mga nangyayari sa kanyang buhay.
Maging ang pagbibisyo at pagkakalulong sa pinagbabawal na gamot at napasok na rin niya.
Ilang taon din siyang nabuhay sa ganoong klaseng sistema. 23 taong gulang nang siya ay pinasok sa rehab at 25 taong gulang naman siya nang siya ay tuluyang nakabangon.
Mula raw noon, nabuhay ang pag-asang baka sakaling mayroon pa ring nakalaan na lalaking para sa kanya.
Naging gawi raw niya ang magsulat sa lalaking nakalaan sa kanya na di pa niya nakikilala. Nilarawan pa niya na kumita raw ang National Bookstore sa kanya sa dami ng notebook na nasulatan niya ng liham sa lalaking iyon.
Limang taon niya raw itong ginagawa at di niya akalaing ang dating imposible ay maisasakatuparan ng araw na siya ay kinasal sa asawa na niya ngayong pastor.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Disyembre ng 2016 nang makilala niya ang kanya ngayon na asawa. Dahil sa parehong adbokasiya nila na makatulong sa mga kabataang biktima ng pang-aabuso.
Pareho raw sila ng naramdaman ng na nilang nakita ang isa't isa. Nang nagsesermon daw ang pastor, pinagdasal daw ni Abegail na siya na ang lalaking para sa kanya. Habang ang pastor naman ay naiwala agad na pinadala ng Diyos si Abegail para maging asawa niya sa tamang panahon.
Ngayong ikinasal na sila, mas patatatagin daw sila ng kanilang pananampalataya sa pagtulong sa mga kabataan na may parehong karanasan ni Abegail.
Labis na namangha ang mga netizens sa viral post na ito ni Abegail. Bukod sa katapangang kanyang pinamalas sa pag-amin ng kanyang nakaraan, Tumaas pa ang kanilang pag-asang darating ang taong nararapat na makasama nila habang buhay sa tamang panahon.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"GOD IS GOOD ALL THE TIME., NO MATTER WHAT HAPPEN.,, # GOD LOVES UNCONDITIONAL"
"true and unconditional love"
"God is faithful to God be the glory for what he has done in your life."
"God is great, congratulations, God bless you... Super nakakabless yung ginawa ni Lord!!!"
"Glory to God...kahit gaano katagal antayin mo tlga dahil darating din yung hinihintay mo,like me 7yrs na,but still waiting."
"Kakaiyak naman to, :-D I believe that if it is Gods will na maging Pastors wife ang babae...e reready nya ang heart nito and when that day comes.... the lord will be glorified"
You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay.
Ukay-Ukay (Bargain Store) 200 Pesos Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel
Source: KAMI.com.gh