The story behind Eric Clapton's song, 'Tears in heaven'

The story behind Eric Clapton's song, 'Tears in heaven'

-Marami sa atin ang alam at gustong-gustong kantahin ang sikat na kanta si Eric Clapton na 'Tears in heaven'

-Ngunit lingid sa kaalaman ng marami, mapait na karanasan ang naging ugat ng kantang ito

-Ito ay isang kanta ng isang ama sa kanyang yumaong anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Taong 1985, nang magkakilala ang sikat na singer na si Eric Clapton at modelong si Lory del Santo na 'di kalauna'y nagdesisyon na magkaroon ng anak.

August 21, 1986, isinilang si Conor Clapton. Nagsama bilang isang pamilya si Eric at Lory kasama ang kanilang munting supling na si Conor.

Mahal na mahal man, hindi pa rin daw tuluyang maintindihan ni Eric ang pagiging ama sa kanyang anak, kung kaya naman hinayaan niyang si Lory na ang magalaga dito.

Pagkatapos ng 3 taon, ninais umano ni Lory na masundan na si Conor ngunit dahil sa insecurities ni Eric ay hindi ito natupad. Dahil dito, naghiwalay na sila at nagkikita na lamang upang makapiling ni Eric ang anak.

March 19, 1991, lumabas ang mag-ama na sila lamang dalawa sa kauna-unahang pagkakataon at excited pa daw ang bata na nakasama niya ang ama.

Ayon kay Lory, ito na raw ang panahon na sa wakas ay naintindihan na ni Eric ang pagiging ama. Nain pa umano nitong iuwi ang kanilang anak upang maalagaan niya ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

March 20, 1991 masaya pa ring nagkwe-kwento ang bata tungkol sa naging lakas nila ng ama. Habang naghahanda pa si Lory narinig pa nito ang anak na kasama ang kanyang yaya.

Nang araw ding iyon, naroon daw ang janitor upang maglinis sa unit. Ibinilin pa nito ang anak sa yaya nito at sa kasambahay na huwag iwan ang bata.

Maya-maya'y narinig niyang naglalaro na daw ito ng hide and seek habang tumatakbo habang narinig niya ang yaya nito na hinahabol na ito.

Ngunit nang pumasok na ang bata sa kwarto kung saan naglilinis ang janitor, pinigilan pa umano ng janitor ang yaya papasok doon dahil binuksan nito ang bintana doon na gawa sa salamin.

Nang huminto ang yaya ng bata upang kausapin ang janitor, tumakbo na pala si Conor sa malaking salamin na bintana at malakas na sigaw mula sa yaya na lamang ang narinig ni Lory.

"I ran into the room, shouting more and more histerically." sabi pa ni Lory.

Ngunit nanag makita ang bukas na bintana agad daw niyang naintindihan kung ano ang nangyari at nagcollapse.

Nasawi si Conor (4-anyos) dahil sa pagkahulog mula sa 53rd-story window ng apartment kung saan sila pansamantalang tumutuloy sa New York. Bumagasak ito sa katabing 4-story building.

"I went to see him again at the funeral home to say good-bye and to apologize for not being a better father." pahayag ni Eric.

Ang pagluluksa ni Eric ang siyang pinagkuhanan ng kantang 'Tears in heaven' na isinulat niya para sa anak.

Imagine that someone comes towards you in a public place. He says something to you and waits for your reaction… but you don’t understand anything! What happens when you are talking Gibberish to people? In this video, we are going to find an answer to this question! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kaya ni baby! Judy Ann Santos proudly shows unusual bonding with 2-year-old Luna

Kaya ni baby! Judy Ann Santos proudly shows unusual bonding with 2-year-old Luna

Kaya ni baby! Judy Ann Santos proudly shows unusual bonding with 2-year-old Luna
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel