National costume ni Michele Gumabao para sa Miss Globe 2018, pinagkaguluhan ng mga netizens

National costume ni Michele Gumabao para sa Miss Globe 2018, pinagkaguluhan ng mga netizens

- Usap-usapan ngayon sa social media ang larawan ni Mechel Gumabao sa kaniyang national costume

- Sasabak ang beauty queen sa Miss Globe 2018 na gaganapin sa Albania

- Ang costume nito ay inspired ng ibon na “Sarimanok”

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi magkamayaw ang mga supporters ng beauty queen na si Michele Gumabao nang ipakita niya sa publiko ang kaniyang national costume para sa Miss Globe 2018.

Nalaman ng KAMI na nasa bansang Albania ngayon ang representative ng Pilipinas para sumabak sa prestihiyosong pageant na gaganapin sa October 21.

Sa kaniyang Instagram account, ipinasilip ng volleybelle ang gagamitin niyang national costume na talaga namang pinagkaguluhan at pinag-usapan sa online world.

Ang kaniyang pambihirang kasuotan na likha ni Nat Manilag ay sumentro sa tema na “Sarimanok” – isang ma-alamat na ibon mula sa tribo ng Maranao sa Pilipinas.

Ayon sa nasabing designer, modern Filipiniana daw na nilagyan ng high slit ngunit inspired pa din ng golden Sarimanok ang costume ni Michelle.

"Sheer tulle pencil cut with knee high slit and ballskirt train modern Filipiniana with fully embellished hand embroidery details inspired by golden sarimanok,” pahayag ni Nat.

Bukod pa sa eleganteng style nito ay nakapukaw din ng pansin ang headdress at hand cuff ng dalaga na nilagyan ng Swarovski crystals at feathers.

Sa social media post naman ng volleyball superstar, inilahad niya na proud siya sa pagiging isang Filipina at sa oportunidad na maisuot ang national costume.

Sinabi din niya na bukod sa nasasabik siyang makakilala ng mga bagong kaibigan, nais niya rin daw patunayan sa buong mundo ang tunay na ganda at talino ng isang Filipina.

“Proud to be a Filipina! My national costume for Miss Globe 2018 by the one and only Nat Manila. Sarimanok inspired Filipiniana,” sabi ni Michele.

"So excited to meet new people and visit new places but most importantly, I’m looking forward to show the whole globe Filipino pride, talent, beauty and heart,” dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Humakot na ng iba’t-ibang komento ang beauty queen dahil sa kaniyang national costume. Narito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens:

“This is one of my favorite national costumes in the Philippines ever. Nadala mo ng maganda so proud of you.”

“God bless youuuu! Bring home the crown, Queen Mich.”

“Woooooow! Just wow! Spike for the crown MG.”

“Wow! Ang ganda ng national costume mo. Goodluck and God bless you!”

Sa nakaraang ulat ng KAMI, naibalita ang sampung mahahalagang dahilan kung bakit mahal na mahal ng mga Pinoy si Michele.

Isinilang noong September 2, 1992, si Michelle ay isang Filipino volleyball player na ipinanganak sa America. Naging bahagi siya ng Pinoy Big Brother: All In noong 2014 ngunit na-evict din pagkalipas ng 57 weeks.

POPULAR: Read more news about Michele Gumabao!

You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay. Our host will have only 200 pesos and 15 minutes to make a purchase in Ukay-Ukay. Will she succeed or fail? – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
"Spoiled ate," Alma Concepcion sa bonggang treat ng pilotong kapatid

"Spoiled ate," Alma Concepcion sa bonggang treat ng pilotong kapatid

"Spoiled ate," Alma Concepcion sa bonggang treat ng pilotong kapatid
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel