Isang adhikain! Rising stars nagkaisa sa pagbunyi ng kulturang Pinoy

Isang adhikain! Rising stars nagkaisa sa pagbunyi ng kulturang Pinoy

- Ilang local artists ang nagkaisa upang maipagbunyi ang kulturang Pinoy

- Sa pamamagitan ng isang benefit show, naipakita nila ang talento at kulturang matagal nang piniling kalimutan

- Ito ay ang mga habi ng mga katutubo, na lahat ay magaganda at matibay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sinasabi ng marami na ang mga millennials daw ay nakalimutan na ang tunay na kulturang Pilipino pero may mga local artists tayo na hindi nasasali sa ganitong grupo.

Kamakailan lang nag-isa ang ilan sa mga maituturing na rising stars ng henerasyon ngayon upang suportahan ang adbokasiya sa pagpapabunyi ng mga nalimutang mga habi ng mga katutubo.

Nalaman ng KAMI na ilan sa mga artists na ito ay sina Zion Aquino, Joerig at Team Vibe Worldwide.

Sa isang fashion show na pinapakita ang galing ng paghahabi ng mga katutubong Ifugao, sinuportahan ito ng mga millennial artists ika nga.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ibinahagi nila ang kanilang mga talento sa nasabing fashion show. Dito ipinakita na ang mga Pilipino ay may sariling kultura na maipagmamalaki at maisasabak laban sa mga produktong banyaga.

Ilan sa mga produktong itinampok ay mga scarves, leather jackets, sapatos, shirts, lahat tunay na gawang Pinoy! Ito'y hinabi ng mga kamay ng mga babae sa Julongan Village sa Kiangan, Ifugao!

Sa pamamagitan ng adbokasiyang ito ng Kandama na pinangalanang #SavetheWeave, maraming mga katutubo ang natutulungan. Sa ganitong paraan, hindi nakakalimutan ng mga millennials ang tunay na kulturang Pilipino!

Tricky Questions: Can you translate this into English? on Kami YouTube channel This video shows the ability of Filipinos to translate sentences hurled at them into the universal English language.

Source: Kami.com.ph

Related news
"Pakaharot ng babae 'yan!" It's Showtime host Vice Ganda, affected na rin kay Jade sa Halik

"Pakaharot ng babae 'yan!" It's Showtime host Vice Ganda, affected na rin kay Jade sa Halik

"Pakaharot ng babae 'yan!" It's Showtime host Vice Ganda, affected na rin kay Jade sa Halik
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel