Bumuhos ang luha! Regine Velasquez, umiyak nang magpaalam sa Sarap Diva

Bumuhos ang luha! Regine Velasquez, umiyak nang magpaalam sa Sarap Diva

- Alam na ngayon na lilipat si Regine Velasquez sa ABS-CBN

- Kaya naman nagpaalam na siya nang maayos sa Sarap Diva at sa buong staff nito

- Di napigilan ni Reg na maging emosyonal at maiyak habang nagpapasalamat sa ilang taong naging parte siya ng Sarap Diva

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Confirmed na ngang lilipat si Regine Velasquez sa rival network ng GMA.

Kaya naman ito'y nagpaaalam na nang pormal sa show na kanyang hinost makaraang anim na taon.

Sa lahat-lahat, ito na ang goodbye niya sa GMA na naging "bahay" niya for the past 20 years.

Sa October 13 na episode ng Sarap Diva, nalaman ng KAMI dito na ibinuhos ni Regine ang kanyang damdamin.

Pinasalamatan niya ang lahat ng mga taong nakasabay niya ng trabaho, ang mga boss niya, ang staff, at saka yung writer niya.

Sabi ng singer/actress, alam niyang hindi siya perpekto makatrabahao at minsan daw ay may dinadala lang siya, pero na-aappreciate niya ang lahat ng kanilang ginagawa para sa kanya.

Minention niyang mahal niya talagang makipagtrabaho sa mga taga Sarap Diva.

Sa gitna ng kanyang mga sinasabi, di na nga napigilan ni Reg ang maiyak.

Panoorin ang nakakaluhang pagpapaalam ni Regine sa Sarap Diva.

POPULAR: Read more about Regine Velasquez

Si Regine Velasquez ay tinaguriang Asia's Songbird. Siya ang asawa ni Ogie Alcasid at may isang anak silang si Nate.

Naging Kapuso siya sa loob ng dalawampung taon, simula noon 1998 nang siya'y maging parte ng GMA noontime show na SOP.

Naiulat sa KAMI, na nag-spark ng malakas na rumors ang network transfer ni Reg nang dumalo siya sa ABS-CBN Ball 2018.

Cool set of exercises that you can do at work to keep fit from our coach Chrystalle - on Kami YouTube channel This video helps you to keep fit even if you're at the desk all day. These are exercises that are simply very easy to follow and do.

Source: Kami.com.ph

Related news
Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010

Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010

Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel