"You have a heart of gold!" Charlene Gonzales to Paul Soriano

"You have a heart of gold!" Charlene Gonzales to Paul Soriano

- Trending ngayon ang isang picture at mahabang caption sa Instagram post ni Charlene Gonzales, kung saan makikita si Direk Paul Soriano

- Ibinulgar ng dating beauy queen ang ginawa ng inaanak nila sa kasal ni Aga Muhlach para lang magawa itong dream project na ito ang First Love nila ni Bea Alonzo

- Bumilib si Charlene sa kabutihan ng puso ni Paul, na palagi naman niyang sinasabi kay Toni Gonzaga noong nag The Buzz pa sila

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Isa ang mag-asawang Paul Soriano at Toni Gonzaga sa mundo ng showbiz na minamahal ng marami pati mga kapwa nila celebs dahil sa kabutihan ng puso ng dalawa bukod sa magandang istorya ng kanilang love story, at ngayon, pinatunayan pa ni Charlene Gonzales ang pagka perfect together ng PaulTin sa isang Instagram post.

Spotted ng nga KAMI ang isang larawan sa IG ni Charlene na makikita si Paul Soriano na tila nasa Amerika.

At sa mahabang caption ng dating beauty queen ay pinaliwanag niya ang tungkol sa importansya ng larawan sa pagbuo ng pelikula na pinagbibidahan ng kanyang mister na si Aga Muhlach at si Bea Alonzo.

Unang bungad ni Charlene sa kanyang post:

"This was the day that started it all when @paulsoriano1017 visited our house in Las Vegas. He drove all the way from Los Angeles for a day, just to present a project to Aga. Wow!! We were floored, humbled & truly admired the tenacity & passion that Paul Soriano has for his craft."

Dugtong pa ng dating The Buzz host:

"Aga has always been wanting to work with Paul & always believed in Paul’s talent since day one. So excited for you Paul, that soon you will be able to share #FirstLove, your film on Oct 17 with everyone."

Patuloy na pahayag ni Charlene Gonzales sa kanyang caption tungkol sa pelikulang First Love na mapapanood na ngayong October 17:

"Also, to have one of the best actresses of her generation to play the role of Ali is truly amazing, @beaalonzo. @beaalonzo you are beautiful, an amazing person & you are extremely talented. Aga also has been wanting to work with @beaalonzo & he told me after filming. Sobrang Galing ni Bea.. All the stars naturally aligned for this movie, #firstlove. It is fantastic to be able to witness from the sideline, a dream project come into fruition."

Sa pagpapatuloy pa ni Charlene sa kanyang touching post:

"Again, Paul Soriano hats off to you for your extreme talent & for putting this wonderful project together but beyond your amazing talent.. You have a heart of gold!! I’ve always mentioned this to his beautiful wife @celestinegonzaga while we were working together on the buzz before, how Paul is such a kind man. Kaya nga, bagay silang dalawa ni @celestinegonzaga.. Kasi beautiful sila both inside and out.."

Pagtatapos pa ng heartwarming message ni Charlene para sa mag-asawang Paul Soriano at Toni Gonzaga o kilala ng kanilang mga tagahanga bilang ang PaulTin ay sambit nito na ang espesyal na lugar nila sa puso nila ni Aga.

"Their family will forever have a special place in our hearts & we will be one of their biggest cheerleaders in life. So Paul & Toni.. continue to fly and soar high. We are truly truly proud of you!! We love you guys & your family @marissadsoriano Tito Jeric"

Hindi din naman pinalagpas ni Direk Paul ang post ni Charlene at nagcomment rin ito ng puno ng gratitude.

"Thank you so much @itsmecharleneg for the kind words, the encouragement and always also believing in me. This means so much to me, I really appreciate it. I remember this photo so well hehe a life changing moment. I will always be grateful and thankful for the trust you and @agamuhlach317 gave me!! I believe this is the first of many more collaborations together!! Thank you!! #GODisGREAT"

Una namang nagbigay ng pagkabilib si Aga Muhlach sa director ng bago niyang pelikula na First Love.

Ani pa nito sa comment sa live video ng Facebook page ng TEN17P:

Na sinagot din naman ni Paul ng:

" I meant every word!! A dream come true to work with you Aga Muhlach I can’t thank you enough for giving me this opportunity and making this all a reality!! More to come yes!! I’m excited and blessed. Thank you Thank you!!"

Si Paul Soriano ay ang multi-awarded director husband ng Ultimate Multimedia Superstar Toni Gonzaga.

Sila ay may isang anak na si Seve.

POPULAR: Read more news about Paul Soriano here

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
4 Times na naispatan si John Lloyd Cruz ini-enjoy ang simple at pribadong buhay

4 Times na naispatan si John Lloyd Cruz ini-enjoy ang simple at pribadong buhay

4 Times na naispatan si John Lloyd Cruz ini-enjoy ang simple at pribadong buhay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel