Alejano, palpak daw ang kampanya laban sa ilegal na droga ni Pangulong Duterte

Alejano, palpak daw ang kampanya laban sa ilegal na droga ni Pangulong Duterte

- Para kay Magdalo Rep. Gary Alejano, palpak daw ang ‘war on drugs’ ni Pangulong Rodrigo Duterte

- Dagdag niya pa pa, pinatay daw ni Duterte ang democratic institutions sa bansa

- Hindi rin sangayon si Alejano sa pagbalik ng Pilipinas sa UN Human Rights Council

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tila hindi nga lahat ay sangayon sa kampanya laban sa ilegal na droga ni Pangulong Rodrigo Duterte. Isa na nga rito si Magdalo party-list Representative Gary Alejano.

Nalaman ng KAMI na para kay Alejano ay palpak ang war on drugs ni Pangulong Duterte.

“In the last, almost three years e palpak po ang war on drugs ng Pangulo,” sabi ni Alejano s aisang news forum.

Base rin sa report ng GMA News ay “pinatay” raw ni Pangulong Duterte ang democratic institutions at processes sa bansa.

“Pero pinatay niya ang democratic institutions. Pinatay niya rin ang democratic processes. Pinatay niya ang karapatang pantao. Binago ang depinisyon nito at in fact parang binago ang ating pagkakaintindi kung sino tayo bilang Pilipino,” giit ni Alejano.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Hindi niya pinatay ang ilegal na droga.

“Pinatay niya at sinira ang mga democratic institutions, especially ang police. Instead na maging magaling ang police sa pag-iimbestiga, instead na magaling siya mag-monitor, tinuruan mo siya mag-shortcut. Inilagay sa utak niya na kaya pala i-shortcut ang proseso at patayin siya, puwede namang suspect pa lamang siya at hindi naman siya involved kaagad ay dinamay ko na lang siya sa issue ng droga.

“So tinuruan mo ang pulis na i-shortcut ang proseso, tinuruan mo ang piskal na sumunod sa gusto ng pulis kasi takot silang magsabi na, 'Wala 'to chief, 'yung kaso mo trumped up ito,” dagdag pa ni Alejano.

Tutol din si Alejano sa pagbalik muli ng Pilipinas sa United Nations Human Rights Council (UNHRC).

“It would be ironic for the Philippines to be a member of Human Rights commission before the United Nations,” sabi ni Alejano.

“Saang planeta ba sila nabubuhay at parang hindi nila alam na mayroong paglabag ng karapatang pangtao sa Pilipinas,” dagdag niya pa.

Naiulat nga ng KAMI kamakailan na muling na-elect ang Pilipinas sa UNHRC sa pamumuno ng incoming Foreign Secretarty Teddy Locsin Jr.

POPULAR: Read more news about President Duterte here!

Today we are going to ask Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! If a Ship Sank, Where Would You Bury The Survivors? This questions might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Opisyal ng brgy., nangikil ng pera at baboy para daw sa Xmas party

Opisyal ng brgy., nangikil ng pera at baboy para daw sa Xmas party

Opisyal ng brgy., nangikil ng pera at baboy para daw sa Xmas party
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel