Pinay DH, tatlong taon na daw nawawala; asawa nito pumanaw na sa paghihintay

Pinay DH, tatlong taon na daw nawawala; asawa nito pumanaw na sa paghihintay

-Tatlong taon na umanong nawawala si Vivian Malabiga Balmelero, domestic helper sa Singapore, ayon mismo sa kanyang kapatid na si Ana Rose Alonzo Concepcion

-Ayon kay Ana Rose sa isang facebook post, hindi na umano nagparamdam ang kanyang kapatid halos tatlong taon na rin

-Iba-iba naman ang naging reaksyon ng mga netizen dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Wala umanong anumang makapagturo kung saan matutunton ng kanyang pamilya si Vivian Malabiga Balmelero, domestic helper sa Singapore.

Sa isang facebook post ng isang netizen na si Ana Rose Alonzo Concepcion na kapatid umano ni Balmelero, humihingi ng tulong ang kanilang pamilya upang malaman ang kalagayan ni Balmelero.

Tatlong taon na itong nawawala at halos sa loob ng mga panahong iyon ay wala na umano itong paramdam sa kanila.

Maging ang address o contact number nito ay hindi nila nakuha mula dito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon pa sa post ni Concepcion, pumanaw na raw ang asawa ng kanyang kapatid dahil sa atake, dala marahil daw ng matinding pagiisip sa asawa.

Kaya naman humihingi na ng tulong ang kanilang pamilya sa pamamagitang social media ay makarating ang mensahe kay Balmelero o kaya nama'y makapagturo ng lokasyon nito.

Ilang netizens naman ang nagpahayag ng opinyon dito.

Netizen: "Bakit may tao ganyan. Nakakatiis na kalimutan ang pamilya. Kng mahal mo pa mga anak mo magparamdam k. Sa mga kamag anak mo."

Netizen: "baka may nangyare masama sa knya....kc kong iba ginawa nia malamang malalaman din ng pamilya nia kht paano kong nagloko man xa..db."

Netizen: "Super safe po ang bansang singapore...kung andon man ang sister mo mahahanap mo sya.kung talagang gusto nyang magpakita....baka may ibang pamilya na din yan."

Netizen: "Sana safe sya...sana walang nangyarig masama sa kanya...kc 3years na walang paramdam??????? Cgurado naman na hindi nya matitiis mga anak nya...sana lang walang nangyaring masama sa kanya. Pray GODBLESS."

Imagine that someone comes towards you in a public place. He says something to you and waits for your reaction… but you don’t understand anything! What happens when you are talking Gibberish to people? In this video, we are going to find an answer to this question! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Nakakaiyak! Heartbreaking love story, viral sa social media

Nakakaiyak! Heartbreaking love story, viral sa social media

Nakakaiyak! Heartbreaking love story, viral sa social media
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel