BoybandPH member Markus Paterson, naaksidente na ninakawan pa

BoybandPH member Markus Paterson, naaksidente na ninakawan pa

- Naaksidente ang BoybandPH member na si Markus Paterson

- Sumalpok sa concrete barrier ang kanyang minamanehong motorsiklo

- Ayon sa ulat ninakawan daw si Markus ng gamit kaya hindi nito agad nakausap ang pamilya niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ikinagulat ng mga tagahanga ng BoybandPH member na si Markus Paterson ang balitang nasangkot siya sa isang aksidente habang minamaneho ang kanyang motorsiklo.

Ayon sa ulat ng TV Patrol, sumalpok ang kanyang motor sa concrete barrier. Makikita sa video ng ulat na umiinda ng sakit si Markus habang pinapatawan siya ng first aid.

Ayon naman sa naglapat ng paunang lunas, tila may fracture sa kanang paa ng aktor. “May nakikita tayong deformity dito sa right leg niya. Possible nabali pero need to conduct x-ray po.”

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

May ilang mga nakakita sa insidente at mabilis daw ang pagpatakbo ni Marcus. “Wala po siyang ilaw. Ang bilis ng patakbo. Bumaliktad pa nga po siya. Lumipad ang sapatos pati helmet natanggal.”

Tatlong lalaki diumano ang tumulong sa kanya sa pamamagitan ng pagsakay sa kanya nang makita nila ang aksidente sa Roxas Boulevard exit road. Gayunpaman, ninkawan din daw siya ng mga ito kaya hindi siya nakatawag kaagad sa kanyang pamilya.

“I didn’t see the barrier. Yung mga taong nakapulot sa akin, kung sino man sila, nasa kanila yung wallet ko,” ani Markus.

Isinugod naman sa ospital si Markus pagdating ng emergency unit.

Si Markus ay nakilala nang maging finalist sa Pinoy Boyband Superstar, ang reality-based singing competition sa ABS-CBN noong 2016.

Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
Miss USA, humingi ng dispensa sa isyu tungkol sa kanyang nasabi sa ibang candidates

Miss USA, humingi ng dispensa sa isyu tungkol sa kanyang nasabi sa ibang candidates

Miss USA, humingi ng dispensa sa isyu tungkol sa kanyang nasabi sa ibang candidates
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel