Sakripisyo ng isang ama, ibinahagi ng isang netizen

Sakripisyo ng isang ama, ibinahagi ng isang netizen

-Isang netizen ang nagbahagi ng kwento ng isang ama na hindi alintana ang sariling dignidad para lamang may maiuwing gatas sa kanyang mga anak

-Isa lamang ang kwentong ito sa libo-libong istorya ng mga magulang na handang gawin ang llahat para sa mga supling

-Umani naman ng mga papuri ang lalaking ito maging ang netizen na siyang tumulong at nag-upload ng kwento sa social media

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Halagang sampung piso, ito daw ang halagang hiningi ng isang lalaki na kinilalang si Jerick Reyes, na isang amang handang manlimos para lamang may mauwing gatas para sa mga anak.

Ayon sa uploader na si Jaive Joseph Roble, naglalakad daw siya pauwi ng kalabitin siya ng nasabing lalaki.

"Kuya baka may Php10 ka dagdag lang sana para pambili ng gatas ng anak ko!" ani nito.

"Hindi po ako masamang tao, Sir! Di ko po kayang gumawa ng masama lalong ayaw kong makulong kawawa pamilya ko."

Ayon kay Roble, mukha daw kinakabahan ang lalaki ng lapitan siya nito at humingi ng tulong.

Ayon dito, kinulang ang kanyang pera pambili ng gatas ng mga anak nito at hindi nito maatim na magutom ang mga ito.

Hindi din umano ito makahanap ng trabaho kaya naman napilitan na itong mamalimos.

Dala ng awa para sa isang amang nagaalala sa kanyang mga anak at handang isakripisyo maging ang sariling dignidad may maiuwi lamang sa pamilya, inaya ito ni Roble sa isang grocery store at doon ibinili niya ito ng parehong gatas na kailangan ng mga anak nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dinagdagan na din umano niya ito ng kaunting pangulam para may maiuwi ito at dagdag tulong na rin dito.

Ayon kay Roble, sapat lamang din ang kanyang kinikita at hindi rin mayaman ang kanyang pamilya, ngunit hindi ito naging hadlang para siya'y tumulong.

Hindi nga ba't napakasarap magbasa ng mga ganitong istorya, malungkot man, makikita pa rin ang kabutihan ng loob ng mas maraming Pilipino.

Umani naman ng mga papuri ang lalaki maging si Roble.

Netizen: "Mga ganito talaga gusto kung dumaan sa wall ku godbless both."

Netizen: "Sana ganyan nlng, ung mgpakatotoo s sarili na wlng panggastos at hihingi ng maayos s kapwa kesa nmn gagawa ng masama. God bless poh snyo both. Sana ganito lage good vibes, spread love and lend a helping hand."

Netizen: "God bless po.at sana kuya palakihin mo mga anak mo ng maayos swerte sila at may tatay cla ganyan tulad mo.gabatan ka pa sna ng dios at sana swertehin kna sa paghahanap ng work.god bless."

Netizen: "Diko mapigilan luha ko.. napaiyak nalng ako binasa ko to..God bless po sayo kuya."

Imagine that someone comes towards you in a public place. He says something to you and waits for your reaction… but you don’t understand anything! What happens when you are talking Gibberish to people? In this video, we are going to find an answer to this question! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Isa lang siya! Doktor, motor lang ang gamit bilang ambulansya sa isang buong isla

Isa lang siya! Doktor, motor lang ang gamit bilang ambulansya sa isang buong isla

Isa lang siya! Doktor, motor lang ang gamit bilang ambulansya sa isang buong isla
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel