Big Happy Family! 9 Showbiz dads na may malaking miyembro ng pamilya

Big Happy Family! 9 Showbiz dads na may malaking miyembro ng pamilya

Una na nagbigay ang KAMI ng anim (6) na mga aktor na mayroong maraming mga anak, kamakailan lang.

Ngayon, ibabahagi namin ang anim pa sa kanila, na naging haligi na rin sa showbiz industry, ayon sa listahan na ibinigay ng GMA News Online.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

1. Francis Magalona

Ayon pa sa balita, ang Master Rapper, na kailan lang ay inalala ng kanyang anak na si Maxene Magalona sa kaarawan nito noong October 4, ay mayroon daw 8 na anak sa asawang si Pia Magalona.

Anim raw nito ay biological children niya, at ang mga ito ay sina, Maxene, Frank, Saab, Elmo, Arkin, at Clara habang sina Unna at Niccolo umano ay mga stepchildren niya.

2. Vic Sotto

Ang Eat Bulaga host na si Bossing Vic Sotto ay mayroon naman daw limang anak at ito ay sina Oyo Boy at Danica mula sa kanyang dating asawang si Dina Bonnevie.

May anak rin siya sa dating EB host na si Coney Reyes na si Vico, at si Paulina naman ang kanyang anak kay Angela Luz.

At ang pinakabunso ay anak niya kay Pauleen Luna na si baby Tali.

3. Christopher de Leon

Ang batikang aktor naman na si Christopher de Leon ay mayroon daw 10 na anak.

May limang anak siya sa asawang Sandy Andolong at ang mga ito ay sina Rafael, Miguel, Gabriel, Mariel, at Mica.

May 4 siya na adopted children rin sa unang asawang si Nora Aunor at ito ay sina Matet, Lotlot, Kenneth, at Kiko.

At ang biological na anak nila ni Ate Guy na si Ian de Leon.

4. Roi Vinzon

Ang lead actor ng Pamilya Roces ng Kapuso Primetime Series ay mayroon daw 7 na mga anak.

Four(4) nito ay ang mga anak niya daw sa asawang si Jeany David na sina Jam, Regina, Isabela, at Tom.

Mayroon din siyang dalawang anak sa unang asawa niya na nagbabase na raw sa Amerika at isa mula umano sa unang karelasyon.

5. Manny Pacquiao

Ang Pambansang Kamao naman ay mayroong limang mga anak at sila ay sina Emmanuel Pacquiao Jr, Mary Divine Grace Pacquiao, Israel Paquiao, Queen Elizabeth Pacquiao, at Michael Pacquiao.

6. Ramon "Bong" Revilla Jr.

Ang actor-turned-politician na si Bong Revilla ay mayroon daw 7 na anak.

Six(6) sa mga ito ay sa kanyang misis na si Lani Mercado at sila ay sina Bryan, Jolo, Inah Felicia, Viktoria Gianna, Franzel Loudette, at Ramon Vicente.

Kamakailan lang daw ay umamin ang aktor na may anak siya out wedlock na si Luigi.

7. Mark Gil

Ang yumaong aktor na si Mark Gil ay ama ng anim na mga anak, at ang buong Eigenmann family ay talaga namang isang malaking pamilya sa showbiz.

8. John Estrada

Ang Victor Magtanggol actor na si John Estrada ay ama ng limang mga nagagandahang mga babae at isang gwapong lalaki.

9. Joey Marquez

At sa kanilang siyam, wala na sigurong tatalo pa kay Joey Marquez na mayroong 16 na mga anak.

Una na naming binahagi ang "One big, happy family" niya kamakailan lang.

Silipin rin ang unang batch ng mga celebrity dads na may maraming mga anak rin na ibinahagi rin namin noon.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Priceless moment of Catriona Gray & designer Mak Tumang after win touches netizens

Priceless moment of Catriona Gray & designer Mak Tumang after win touches netizens

Priceless moment of Catriona Gray & designer Mak Tumang after win touches netizens
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel