Elizabeth Oropesa, diumano'y umamin na muntik nakipagtanan sa kapatid

Elizabeth Oropesa, diumano'y umamin na muntik nakipagtanan sa kapatid

- Nagulantang ang lahat ng lumabas ang isang blind item umano tungkol sa isang kilalang batikang aktres na diumano'y nakipagtanan sa kapatid niya na isa ring kilalang aktor

- Ayon sa balita, hindi daw nila alam na magkapatid pala sila at napigilan sila umano ng isang premyadong direktor na si Leroy Salvador

- Ang kapatid na tinutukoy ni batikang aktres na isa ring kilalang aktor ay walang iba kung hindi si Phillip Salvador

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naispatan ng KAMI ang nakakawindang na kwento ito na nangyari sa dalawang kilala at batikang mga aktres at aktor sa pinilakang tabing na sina Elizabeth Oropesa at Phillip Salvador.

Ani pa sa balita ng Phil Star, nilinaw nila umano ang isang kumakalat na blind item na isang batikang aktres ang nakarelasyon ang isang kilalang aktor pero hindi daw nila ito tinuloy dahil napag-alaman nila sa huli na kapatid pala sila.

Nakausap umano ng news source ang magaling na aktres sa presscon ng Pamilya Roces ng GMA-7, at dito raw ay inamin ni La Oro (Elizabeth Oropesa) ang totoong nangyari.

Ibinunyag nga niya na siya ito at ang nasabing aktor ay si Phillip Salvador.

Ani pa daw ng aktres, nagkarelasyon daw sila at muntik na umanong magtanan pero pinigilan raw sila.

At ito ay dahil sa nakarating na kuwento diumano na ang ama ni Phillip Salvador na si Lou Salvador ay siyang tunay niyang ama.

Napapangiting kuwento ni La Oro:

“Hindi naman inamin pero nagkagulo nung nagtanan kami. Binawi ako."

Dagdag na pahayag pa niya:

“Si Kuya Leroy ang hinimatay-matay nun because of what happened. Pinaglayo kami, and si Kuya Leroy…palagi yan nandiyan. Kahit anong nangyari sa buhay ko, nandiyan siya."

Dahil dito ay sinundan nila umano ng tanong ang aktres kung magkapatid nga ba sila sa ama ni Phillip Salvador.

Seryosong sagot ng aktres sa news source:

"I must be a Salvador. As far as I can remember, bata pa ako, pag may mga malaking okasyon, nandun ako. Si Papang (Lou Salvador), nandun ako. Palagi ako kay Papang when I was young."

Una naming naispatan ang naturang kuwento sa Facebook post ng Vice Ganda Quotes page na galing naman sa Showbiz Read.

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Woman shares how God helped her through mental disorder

Woman shares how God helped her through mental disorder

Woman shares how God helped her through mental disorder
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel