Epic fail?! Larry Gadon, maling COC form daw ang ginamit ayon sa Comelec

Epic fail?! Larry Gadon, maling COC form daw ang ginamit ayon sa Comelec

- Sabi ng Spokesperson ng Comelec, mali raw ang COC for na unang sinubmit ni Larry Gadon

- Giit naman ni Gadon daw na hindi mali ang form na pinasa niya at kulang lang daw ang ID photos niya

- Confident naman din si Gadon na mananalo na siya ngayon bilang senador

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakilala nga si Atty. Larry Gadon dahil sa kanyang viral video kung saan tinawag niyang “mga bobo” ang supporters ni ousted Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Nalaman ng KAMI na nag-file na ng certificate of candidacy (COC) si Gadon upang tumakbo muli bilang senador sa darating na eleksyon sa 2019. Pero, sabi ng Commission on Elections (Comelec), mali raw ang ginamit na form ni Gadon noong una.

Epic fail! Larry Gadon, maling COC form daw ang ipinasa ayon sa Comelec

Photo from Rappler
Source: Facebook

Ayon sa Comelec, sinabihan daw nila si Gadon na mag-file muli ng COC dahil lumang form ang kanyang unang ipinasa.

“The form he submitted in the first instance is not the form he should have submitted,” sabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez. Mapapanood ang kanyang pahayag dito.

Ngunit, nang tanungin si Gadon kung totoo bang mali ang form na ginamit niya, dineny naman niya ito.

“Wala naman. Hindi naman nila tatanggapin kung maling form,” aniya base sa report ng Philippine Star. Sinabi rin ni Gadon na hindi naman daw naipasa 'yung unang form na binigay sa kanya. Maaaring panoorin ang video niya rito.

Dagdag niya pa, kulang lang daw ang ID photos niya dahil noong nakaraang nag-file siya ng COC ay isa lang daw ang hiningi sa kanya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon naman sa report ng Rappler ay 5 ID photos ang hiningi ng ng Comelec ngayon, kahit noong 2016 elections ay ganun din.

Base naman sa report ng Inquirer, bago raw pumasok sa maind building si Gadon ay sinabi niya na, “Ang sambayanang Pilipino ay iboboto ako dahil hindi ako bobo at iboboto nila ako dahil hindi sila bobo.”

Noong dumating si Gadon para mag-file ng COC ay bigla raw ito nawala nang isang oras, nang tanungin kung bakit siya nagtagal, sabi niya lang ay, “Eh pinakuha ko pa sa kotse. Eh 'yung kotse, paghatid sa akin, may pinuntahan pang iba.”

Naiulat naman ng KAMI noon na tila confident si Gadon na mananalo siya sa ekelsyon dahil ayaw na raw ng mga Pilipino sa “bobo”. Pero, marami namang komento ang mga netizens dito.

“I am very confident of winning kasi 'yung mga tao ngayon ayaw na sa mga bobo," sabi ni Gadon.

Narito naman ang naging viral video ni Gadon.

Si Gadon ay nakilala rin bilang siya ang nagsampa ng impeachment complaint laban kay Sereno.

Philippines tricky questions: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! If a Ship Sank, Where Would You Bury The Survivors? This questions might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Number 2 ni Misis sinaksak si Mister! Misis, mas kinampihan si number 2

Number 2 ni Misis sinaksak si Mister! Misis, mas kinampihan si number 2

Number 2 ni Misis sinaksak si Mister! Misis, mas kinampihan si number 2
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel