OFW sa Saudi, pinatutulog sa labas ng bahay ng amo at di pinakakain ng maayos

OFW sa Saudi, pinatutulog sa labas ng bahay ng amo at di pinakakain ng maayos

- Nag-viral ang post ng kapatid ng OFW na humihingi ng tulong sa minamaltrato niyang kapatid sa Saudi

- May naging kakilala ang kanyang kapatid at nakunan ng larawan ang totoong kalagayan doon ng OFW

- Maging ang mga netizens ay di maiwasang mag-alala sa OFW na kalunos lunos ang kalagayan sa Saudi

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lubhang nakababahala ang kalagayan ng Pinay OFW na si Jean Bendal.

Ilang oras pa mula nang mai-post ang kalunos lunos na kalagayan ni Jean , agad itong nag-viral.

Makikita kasing nagpapahinga si Jean sa labas lamang ng bahay ng kanyang amo.

Ayon pa sa post ng kapatid ni Jean, tatlong buwan na siya roon at isang beses pa lamang ito pinasahod.

Di rin daw maayos ang pakain kay Jean kaya naman nakadagdag pa ito sa hirap na kanyang dinaranas.

Kinuha na rin ng kanyang amo ang kanyang passport at cellphone ni Jean upang di siya makahingi ng saklolo sa kung sinuman.

Nakuha ang mga larawan sa nakilala ni Jean na naipadala naman agad sa pamilya nito sa Pilipinas.

Idinulog na ito ng kapatid ni Jean sa agency na nagdala sa kanya sa Saudi ngunit ang tanging sagot nito ay patakasin na lamang ang OFW.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sobrang delikado raw na tumakas para si Jean dahil sa wala sa kanya ang passport at mismong ang lugar ng kanyang amo ay parang "squatter" lamang daw.

Tag-lamig na raw doon kaya naman makasasama ito sa kalusugan ng OFW kung patuloy pa rin itong matutulog o magpapahinga sa labas lamang.

Kaya naman humihingi ng tulong ang kapatid ni Jean na maiuwi na ang kapatid na hirap na hirap na sa kalagayan niya sa Saudi.

Samantala, maging ang mga netizens ay lubhang nabahala sa sitwasyon ni Jean. Maging sila ay nagbigay ng iba't ibang suhestyon kung ano ang maaring gawin sa sitwasyon ni Jean.

Narito ang kanilang mga komento:

"Tolfo nyo yan. Kawawa c ate"

"IPA TULFO mo nlang miss"

" Nasa bundok pla sya s hail.. part na s riyad..malamig na ngayun s lugar na yan"

" Itag nyo sa tuifo para action agad."

"Wag kayo mgsayang ng oras... pumunta kyo sa raffy tulfo sure makakauwi sa sa pinakamabilis n panahon"

"Sana po ay matulongan kakaawa naman"

You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay.

Ukay-Ukay (Bargain Store) 200 Pesos Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
4 Times na naispatan si John Lloyd Cruz ini-enjoy ang simple at pribadong buhay

4 Times na naispatan si John Lloyd Cruz ini-enjoy ang simple at pribadong buhay

4 Times na naispatan si John Lloyd Cruz ini-enjoy ang simple at pribadong buhay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel