Pinay OFW, mas pinili raw sustentuhan ang boyfriend kaysa sa mga anak

Pinay OFW, mas pinili raw sustentuhan ang boyfriend kaysa sa mga anak

- Dumulog ang pamilya ng Pinay OFW na si Irene sa Raffy Tulfo in Action dahil sa di na raw ito nagpapadala ng sustento sa mga anak na naiwan sa Pilipinas

- Imbis daw kasi sa mga anak at sa ina, sa nobyo na raw nagpapadala si Irene

- Namomroblema ang ina ni Irene na si Marlyn Lazo dahil sinisingil na rin siya ng mga pinagkakautangan para sa deployment noon ni Irene

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Problemadong dumulog ang ina ng Pinay OFW na si Irene sa Raffy Tulfo In Action dahil sa hindi na nagpapadala ng sustento ang anak.

Ayon sa The Filipino Times, Ang ina ni Irene na nakilalang si Marlyn Lazo ay humingi na ng tulong kay Raffy Tulfo dahil sa mas pinili na umano ng kanyang anak na magpadala sa nobyo nito kaysa magsustento sa mga anak na nasa pangangalaga ng kanyang ina.

Bukod kasi sa sustento sa mga anank ni Irene, namomroblema na ngayon si Marlyn at sinisingil na siya ng mga pinagkakautangan niya noon oara sa deployment ni Irene noon pang Pebrero ng nakaraang taon.

Ayon pa sa kapatid ni Irene na si Marlinda na mula nang abroad ang kapatid, isang beses pa lang daw ito nagpadala ng pera sa kanila.

Sa kanilang pagkakaalam, nagpapadala raw si Irene sa kanyang nobyo.

Nang kapanayamin ni Tulfo si Irene, sinabi nito na "binubully" raw ng kanyang pamilya ang kanyang nobyo dahilan para raw di niya padalhan ang pamilya.

“Nung time po na magpapadala ako sa kanila, binully po ng binully yung lalaki eh wala naman pong ginagawa sa kanila. Marami po silang sinasabi sa akin kaya nasaktan ako, hindi na ako nagpadala ng pera sa kanila,” wika ni Irene.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Katwiran pa ni Irene, nagpapadala naman daw ang ama ng mga bata kaya naman kumpiyansa siya na may pantustos ang mga ito at lingguhan pa raw.

Nang tanungin si Irene kung magpapadala na siya sa kanyang pamilya, ang naisagot niya ay "Hindi ko po maipapangako ‘yan. May sariling buhay din po kasi ako dito," na siyang kinainis maging ni Tulfo.

Kinuwestiyon din ni Raffy Tulfo ang pag-a-abroad nito kung di rin lang naman daw ito magpapadal ng pera sa kanyang pamilya lalo na sa mga anak.

Dagdag pa ni Irene, minsan na rin kasi siyang niloko ng kanyang pamilya na kinailangan daw magpagamot ng ina. Naubos na lang daw ang padala ni Irene ngunit di pa rin ito nakapagpagamot.

Lumalabas na pati pala ang ibang kapatid ni Irene ay humihingi na rin ng sustento sa kanya kaya lumalabas na siya na ang bumubuhay sa mga ito. Para nga naman sa kanya, di na iyon makatarungan.

Binigyang linaw din niya na minsan lang siya nagpadala ng pera sa nobyo at hindi ito buwanan.

Sa huli, napapayag naman si Irene na magsustento ngunit para lamang sa mga anak at dadaan pa ito sa agency na nagdala sa kanya sa Oman.

You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay.

Ukay-Ukay (Bargain Store) 200 Pesos Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Number 2 ni Misis sinaksak si Mister! Misis, mas kinampihan si number 2

Number 2 ni Misis sinaksak si Mister! Misis, mas kinampihan si number 2

Number 2 ni Misis sinaksak si Mister! Misis, mas kinampihan si number 2
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel