Guro, naging estudyante at napagtapos ang inang 61 taong gulang na

Guro, naging estudyante at napagtapos ang inang 61 taong gulang na

- Na-inspire ang mga netizens sa kakaibang kwento ng guro ni Zaldy Bueno at ng kanyang ina na naging estudyante niya sa Alternative learning system ng DepEd

- Sadyang maraming pinagdaanan ang pamilya ng ina ni Sir Zaldy, dahilan upang elementarya lang ang kanyang natapos

- Sa pamamagitan ng Alternative Learning System, nakapagtapos ang ina ni Sir Zaldy na si Myrna Bueno at naniniwala siyang pagdating sa edukasyon, wala itong pinipiling edad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Labis na namangha at na-inspire ang mga netizens sa kwento ng mag-inang sina Zaldy Bueno at Myrna Bueno.

Si sir Zaldy ay guro ng Alternative Learning System at estudyante niya roon ang kanyang ina na si nanay Myrna.

Dala ng kahirapan at matinding pagsubok sa buhay, elementarya lang ang natapos ni nanay Myrna.

Noong siya ay nagkaroon na ng pamilya, walang siyang maisip na ibang pagkakakitaan kundi ang paglalabada.

Dahil dito di rin naging madali ang buhay nila at ramadam din ito ng kanyang anak na si sir Zaldy.

Samantala, dala ng pagsusumikap at determinasyon, nakapagtapos si sir Zaldy sa kursong education. Nag-working student siya upang maigapang ang pantustos sa kanyang pag-aaral.

Dahil sa angking talento na kagandahan ng boses at talino, rumaket din siya bilang host at dj sa istasyon ng radyo sa Quezon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Taong 2011 nang magturo si sir Bueno sa Alternative Learning system. Ito ay programa ng DepEd kung saan ang mga di nakapagtapos ng hayskul ay magkakaroon ng pagkakataon na makapag-aral at makatapos na katumbas ng isang formal school.

Kahit sino na di pa nakatuntong ng hayskul ay maaring mag-enrol sa programang ito kaya naman nakapasok dito si Nanay Myrna. maswerte siya na ang guro niya sa ALS ay ang kanyang anak na si Zaldy.

Kaya naman nang makatapos ang ina noong 2015, walang pagsidlan ng kaligayahan si sir Bueno na sobrang ipinagmamalaki ang tagumpay ng kanyang ina Di lang daw kasi ito achievement bilang isang anak, achievement din daw ito bilang isang guro.

Si nanay Myrna ang buhay na patotoo na ang edukasyon ay para sa lahat, bata man o matanda, wala itong pinipiling edad.

Laking pasalamat din ni Nanay Myrna sa anak dahil sa pagsusumikap nito para maiahon ang pamulya sa matitinding pagsubok na kanila namang napagtagumpayan.

Sadyang nakakantig ng puso ang kwento ng mag-ina kaya naman umani ito ng papuri mula sa mga netizens. Narito ang kanilang mga komento:

"happy for you sir, i salute you.,kita ko pagpupursige mo noon working student ka pa lang.,at bago ka pa lang namin naging kaibigan masaya akong makita ka ngaun na unti unting natutupad lahat ng pinapangarap mo"
"Wow wow idol"
"sana dumami pa yung taong ma inspired sa kwento mo sir lodi. ..godbless you more!!!"
"Wow sir Lodi....pang maala ala mo kaya yan..."

You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay.

Ukay-Ukay (Bargain Store) 200 Pesos Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
"Anong nangyari?!" Bea Alonzo nang makita ang mukha ni Pia Wurtzbach sa GGV

"Anong nangyari?!" Bea Alonzo nang makita ang mukha ni Pia Wurtzbach sa GGV

"Anong nangyari?!" Bea Alonzo nang makita ang mukha ni Pia Wurtzbach sa GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel