Family love! 8 Inspiring and beautiful celebrity families

Family love! 8 Inspiring and beautiful celebrity families

Isa sa pinakamatatag na saligan at pundasyon ng komunidad ay ang pamilya.

At sa nakakawindang na mundo ng showbiz, nakaka-inspire at nakakasaya ng damdamin na makita at malaman na sa kabila ng maraming pamilyang nagkakagulo o naghihiwalay, mayroon pa ring mga pamilya na pilit pa ring pinaglalaban ang kanilang pagmamahalan at pinatabay ng panahon.

Una ng nagbahagi ang KAMI ng mga inspiring celebrity families kamakailan lang.

Pero ngayon ay inihahandog namin ang anim (8) pa sa celebrity families na makikita mo talaga ang tunay na kahulugan ng love at true happiness.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

1. Gomez Family

Isa sa pinakahinahangaang married couples sa showbiz ay sina Richard Gomez at Lucy Torres na nagsasama na ng dalawang dekada bilang mag-asawa.

April 28, 1998, nang kinasal ang dalawa sa Ormoc.

Bukod sa magaganda at gwapo na pamilya ay larawan rin sila ng isang masaya at maligayang pamilya na sa kabila ng yaman ay nanatiling mapagkumbaba.

2. Lagdameo Family

Isang larawan pa ng maganda at inspiring na pamilya ay ang Lagdameo family.

December 27, 1997, nang kinasal sina Dawn Zulueta and Anton Lagdameo sa New York.

21st wedding anniversary na nila bago magtapos ang taon.

3. Jaworski Family

Isa pang inspiring family ay ang Cojuangco family na pinamumunuan nina Mikee Cojuangco at Robert Jaworski Jr.

Kitang kita ang maligayang pamilya sa kanilang mga larawan.

4. Larrazabal Family

Hindi din pwede na hindi maisama sa listahan ang Larrazabal family nina Donna Cruz and Potenciano "Yong" Larrazabal III na 20 years na nagsasama bilang mag-asawa.

Di ba family goals ang kanilang mga trips abroad?!

5. Muhlach Family

At sinong hindi rin mawiwili sa pagsubaybay sa Muhlach family nina Aga Muhlach and Charlene Gonzales na nagsasama na ng 17 years.

Bukod pa sa maganda at gwapo na twins ay ang saya rin nilang tingnan sa kanilang mga bonding moments together.

6. Soriano Family

Ang Soriano family na pinamumunuan nina Toni Gonzaga at Paul Soriano at ang buong Soriano family ni direk Paul ay isang masaya at magandang pamilya na talaga namang nakaka-inspire.

Isa sa pinakamagandang love stories sa showbiz ay ang Toni Gonzaga at direk Paul Soriano's love story o tawag sa kanila ng kanilang mga fans "PaulTin."

11 years na sila magkarelasyon, 3 years nito ay bilang mag-asawa.

7. Chien Family

Isa rin sa napaka-inspiring, quiet pero solid at happy na pamilya ay ang Chien family na pinamumunuan nina Lea Salonga at Robert Chien.

14 years na silang magkasama bilang mag-asawa.

8. Gonzaga Family

Dahil sa magandang pagpapalaki ng kanilang mga superstars na anak na sina Toni at Alex Gonzaga ay naging sikat rin ang Gonzaga family na pinamumunuan ninan mommy Pinty at daddy Bonoy.

Talaga namang maganda, masaya, mabait, at may takot sa panginoon na pamilya.

Di ba ang ganda lang na malaman na mayroong solid at masayang pamilya sa showbiz?!

Ang mga mag-asawang ito ay nagkasama na ng ilang dekada.

Speaking of pagsasama ng mag-asawa, kamakailan lang ay ibinahagi namin ang throwback wedding pictures ng 10 married celebrity couples at kasama ang ilan sa kanila rito.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Woman shares how God helped her through mental disorder

Woman shares how God helped her through mental disorder

Woman shares how God helped her through mental disorder
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel